BOC nagdagdag ng X-ray machine sa pagpapaigting ng laban vs illegal products

BOC nagdagdag ng X-ray machine sa pagpapaigting ng laban vs illegal products

November 10, 2022 @ 3:39 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagdagdag na ng mga X-ray machine ang Bureau of Customs – X-ray Inspection Project (BOC-XIP) sa iba’t ibang pantalan at paliparan sa bansa kabilang na ang Boracay International Airport bilang bahagi ng pagpapaigting sa laban kontra sa pagpasok ng mga kontrabando.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Nobyembre 10, sinabi ng BOC na inilagay na nila ang Nuctech mobile container X-ray scanner sa Port of Cebu at Port of Cagayan de Oro.

Matibay ang mga machine na ito na kayang matukoy ng mas maayos at malinaw ang laman ng mga cargo.

Samantala, naglagay naman ng tatlong bagong Astrophysics fixed checked-in baggage scanner at dalawang Astrophysics hand-carry baggage scanners sa Boracay International Airport.

Kaya naman ng mga ito na matukoy ang mga smuggled goods na itinago sa bagahe.

Sinasanay ng BOC ang kanilang mga tauhan upang mas mapabuti ang kanilang
intelligence at enforcement operations capabilities.

Ang mga inisyatibong ito umano ay bahagi ng utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Commissioner Yogi Filemon Ruiz na paigtingin pa ang seguridad upang mapigilan ang pagpasok ng mga kontrabando sa bansa. RNT/JGC