BOC nagkasa ng imbestigasyon sa P1B ‘puslit’ na bigas sa Iloilo

BOC nagkasa ng imbestigasyon sa P1B ‘puslit’ na bigas sa Iloilo

August 20, 2022 @ 1:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Iniimbestigahan na ng Bureau of Customs (BOC) ang mga ulat ng umano’y puslit na bigas na nagkakahalaga ng P1 bilyon na dinala sa Iloilo nitong buwan.

Inihayag ng BOC nitong Biyernes na iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang apat na shipments na umano’y dumating sa Iloilo port sakay ng ilang barko.

“Coordination has been made with various public and private organizations involved in the inspection of shipments,” pahayag ng BOC. “We are still awaiting the official report on the matter from the Port of Iloilo.”

Batay umano sa isang source mula sa ahensya, aabot sa 38,400 metric tons ng bigas ang pinaniniwalaang naipuslit mula sa Vietnam patungo sa bansa. Ayon pa sa ulat, ang mga barko ay dumating sa bansa “between Aug. 4 and 13.”

Itinanggi naman ng BOC Collection District VI ang mga alegasyon at iginiit na “no history of rice smuggling has been recorded” sa port. RNT/SA