BOC nakapagtala ng pinakamataas na koleksyon sa kasaysayan

BOC nakapagtala ng pinakamataas na koleksyon sa kasaysayan

January 13, 2023 @ 7:17 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakamit ng Bureau of Customs (BOC) ang pinakamataas na taunang koleksyon ng kita sa kasaysayan na umaabot sa P862.929 bilyon makaraang lumampas ng 19.6% o P141.409 bilyon sa target nitong koleksyon na P721.52 bilyon.

Ang 2022 revenue collection performance ay nagpakita ng pagtaas ng 34.1% o P219.367 bilyon kumpara sa P643.562 billion revenue collection noong 2021.

Ayon sa BOC, ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng ahensiya na ang lahat ng mga daungan ay lumampas sa kanilang taunang mga target na koleksyon batay na rin sa Financial Service ng BOC.

“The Post-clearance Audit Group (PCAG) collected P1.840 billion in deficient Customs duties, taxes, penalties, and interests as part of the 2022 BOC revenue collection, surpassing its 2021 collection of P1.522 billion by 21% and its target collection of P1.584 billion by 16%,” saad ng BOC.

“The Group bolstered the BOC Post Clearance Audit and Post Modification through the Computer-Aided Risk Management System (CARMS), which was implemented in August 2022. The system provides critical information for traders to measure and improve Customs compliance,” dagdag pa ng BOC.

Nakalikom din umano ang BOC ng P292 milyon mula sa mga public auction ng mga overstaying cargoes.

Maging ang mga isinagawang pagsusubasta ng mga nasamsam, na-forfeit, o inabandunang mga lalagyan ay nagresulta sa mga karagdagang kita para sa gobyerno at na-decongest ang mga daungan ng Bureau para sa mas mahusay na pangangalakal.

Kasama sa mga karagdagang kita ng BOC ang P22.8 bilyon mula sa rice tariff collection ng BOC. Ang Rice Tariffication Law ay tumutulong sa mga konsyumer at magsasaka sa pamamagitan ng pagbaba ng presyo ng tingi ng bigas at pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng labis na kita sa taripa. JAY Reyes