PILIT GINIGIBA NGUNIT ‘DI MATIBAG

August 19, 2022 @4:57 PM
Views:
24
KALIWA’ kanang paninira ang ibinabato kay Executive Secretary Victor Rodriguez mula sa ilang personalidad na hindi napagbibigyan sa kanilang hiling na makakuha ng magandang puwesto sa kasalukuyang administrasyon.
Una nang pinasabog ng ilang marites ang tsismis may dalawang linggo na ang nakaraan na nagbitiw na ang ‘alter ego’ ni Pangulong Ferdinand”Bongbong”Marcos, Jr. matapos iugnay sa isang gawa-gawang isyung kesyo humihingi raw ito ng milyones mula sa isang aplikante kapalit ng isang mataas na posisyon sa Palasyon na kung susuriin ay pawang kasinungalingan.
Hindi pa nakuntento ang mga kumag at pilit na idinadawit ngayon ang pangalan ng kalihim na may kinalaman umano sa pinaniniwalaang maanomalyang importasyon ng 300,000 metriko toneladang asukal na ugat nang pagbibitiw ni Department of Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian.
Sa isang sentimong pagkakaunawa ko,hindi ba’t si Sebastian at mga kakutsaba nito ang dapat sisihin sa kontrobersyal na pag-aangkat dahil siya mismo ang pumirma sa dokumentong nag-pahintulot sa naturang importasyong na ayon sa tantya ni Senate President Migz Zubiri ay pinagkakitaan umano ng hindi bababa sa 600 milyong kickbacks?
Batid ng sambayanan na ang naging papel lang ni Rodriguez ay ibaba ang iminungkahi ni Pangulong Bongbong sa mga opisyal ng DA na pag-aralan ang ‘importation plan’ ng pangunahing pangangailangan ng taumbayan kabilang ang asukal at iba pang agri-products.
Ang punto, ano nga ba ang pananagutan ni ES Rodriguez sa isyung ito gayong ibinaba lang niya ang rekomendasyon ng Pangulo na araling mabuti kung sakto ang suplay ng asukal sa merkado mula sa local producers at kung may kakulangan ay saka pa lang largahan ang importasyon?
Tangna, hindi talaga tumitigil ang ‘demolition job’ laban sa ‘Little President’ na ang hangarin lang naman ay kung paano pagsilbihan ang Pangulo at sambayanan upang maisakatuparan ang tunay na pagbabago sa bansang magtutuldok sa kahirapan ng nakararaming kababayan.
Nasisiguro ng taumbayan na kasing puti ng niyebe at kasing tigas ng adobe ang pangalan ni Rodriguez kung saan hindi kayang tibagin ng sinomang may maitim na balak laban sa marangal na sanggang-dikit ni PBBM.
YOU CAN NEVER PUT A GOOD MAN DOWN!
Anoman reaksyon itex sa 09999388537/email [email protected]
CHINA O TAIWAN MAN, ‘DI TAYO IIWAN NI UNCLE SAM

August 19, 2022 @4:55 PM
Views:
31
ISA na namang pinakamataas na opisyal ng Amerika ang nag-stop over dito sa Pinas para lamang sabihin kay Pangulong Bong Bong Marcos na sila ay totoo nating mga kaibigan.
Ito ay sa kabila ng gusot ngayon sa pagitan ng bansang Tsina at Taiwan na may kaugnayan din ang Amerika. Kabilang na din ang masalimuot na usaping pangkaragatan sa pagitan naman ng China at Pinas.
Dumating at humarap noong Sabado kay PBBM si Secretary of State Antony Blinken, di lamang para talakayin ang mga isyung nabanggit, kung di siguraduhin ang katapatan bilang isang kaibigan ng Pilipinas ang bansang Amerika.
Sa madaling sabi, ang nais iparating ni Bliken kay PBBM ay di iiwan ni Uncle Sam ang Pinas, anoman ang mangyari.
Iginiit nito ang matagal ng kasunduan ng dalawang bansa, sa larangan man ng ekonomiya o seguridad.
Ito raw, ayon kay Bliken, ang pinaka-importante sa pakikipagkaibigan nila sa atin.
Ang dekada nang kasunduan o Mutual Defense Treaty , ang pinanghahawakan ng Amerika na tupadin ang mga nakasaad dito, kabilang na ang protektahan ang bawat Filipino sa anomang maaaring mangyaring kaguluhan.
Sandal sa pader, kung atin ngang maituturing. Ngunit tayo ay may dapat ding sundin sa MDT. Kung baga sa magkapartner, bawat isa ay may tungkulin at pagpapahalaga sa kanyang partner.
Kailangan din kumiling at magbigay proteksiyon ng ating bansa sa Amerika. Tulad na lang ng mga pangyayari sa ngayon sa pagitan ng China at Taiwan. Kung ang US ay may ipinakitang interes na tulungan ang Taiwan, dapat ay ganun din ang ating ipakita.
Paano natin gagawin ito? Kaibigan din natin ang China. Anoman ang dapat, doon pa rin ako sa binitawang salita ni PBBM na ang Pilipinas ay kaibigan ng lahat at hindi magiging kaaway ninoman.
oOo
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!
NEW SPD CHIEF, MAG-INGAT KINA ‘BOKNOY’ AT ‘BABY P’

August 19, 2022 @4:53 PM
Views:
26
ISA sa mga District Director na itinalaga ni Philippine National Police chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na hinangaan at binigyan ng perpektong marka sa larangan ng paglilingkod ni Vice Mayor Sara Duterte-Carpio ay si Southern Police District Acting Director P/Col. Kirby John Kraft.
Naglingkod kasi si Col. Kraft bilang Chief of Police ng Davao City ng halos tatlong taon simula noong Oktubre, 2019 hanggang mapalitan siya ni Col. Alberto Lupaz noong Pebrero ng taong kasalukuyan.
Sinabi ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa ginanap turn over ceremony noon na “10 out of 10” ang ibibigay niyang marka kay Kraft sa panahon ng pagiging hepe ng Davao City Police dahil napangasiwaan niya nang maayos ang kanyang tungkulin sa kasagsagan ng pandemya matapos maipatupad na mahusay ang mga umiiral na panuntunang inilatag ng pambansang pamahalaan para maiwasan ang hawahan kahit na noong mga panahong wala pang bakuna laban sa nakahahawang sakit.
Dahil mismong si VP Sara ang nagbitiw ng ganitong pananalita, umaasa ang mga alkalde ng mga lungsod ng Pasay, Makati, Las Pinas, Paranaque, Muntinlupa, Taguig at bayan ng Pateros na sakop ng SPD na mapapangasiwaan din ng maayos ni Col. Kraft ang pamumuno sa hanay ng pulisya sa anim na lungsod at isang bayan.
Magsisilbi rin kasing hamon kay Kraft ang mahusay na pamumuno ng kanyang hinalinhan na si P/BGen. Jimili Macaraeg na umani ng mga papuri at komendasyon, hindi lamang sa mga alkalde at opisyal ng mga lokal na pamahalaan kundi sa iba’t-ibang mga pribadong sektor dahil sa kanyang matagumpay na kampanya laban sa ilegal na droga, terorismo, illegal gambling, kidnapping at iba pang ng kriminalidad na nagresulta sa pagbaba ng krimen sa buong Southern Metro.
Hindi biro ang nakamit na parangal at papuri ni BGen. Macaraeg na kailangang pantayan, kung hindi man malagpasan, ni Col. Kraft upang makuha niya ang suporta at tiwala ng mga alkalde sa anim na lungsod at isang bayan.
Kaya ngayon pa lang, kailangan na nating paalalahanan si Col. Kraft na maging maingat at mapagmatyag dahil mayroon pa ring malalakas ang loob na nagpapakilalang “bagman” ng mataas na opisyal ng PNP sa Camp Crame na nagbibigay pahintulot sa mga operators ng illegal na sugal para magbukas ng kanilang operasyon sa area ng SPD.
Isa kasing alyas “Boknoy” na nagpapakilalang malakas sa isang mataas na opisyal ng Camp Crame ang nagbigay umano ng pahintulot sa perya queen ng Calabarzon na si alyas “Baby Panganiban” na magbukas ng kanyang illegal numbers game sa Muntinlupa City.
Ipinasara kasi ang mga puwesto ni Baby P. sa mga lalawigan ng Laguna at Cavite kaya dito sa kaharian ni Mayor Ruffy Biazon sa Muntinlupa City siya naglagay ng dalawang magkahiwalay na puwesto na binasbasan daw ni alyas Boknoy na ngayon ay pinangangambahang magiging sanhi ng hawahan ng COVID-19.
Maaaring hindi pa alam ito ni Kraft pero tiyak na kapag nakarating sa kanyang kaalaman ang inihahasik na lagim ng ilegal numbers game nina Baby P. at Boknoy, malamang sa alamang, maisara na ito ng lubusan.
PALUSOT SA DA NABUKING

August 19, 2022 @4:50 PM
Views:
23
NAHALUNGKAT na kung sino-sino ang mga responsable sa mga pagpapalusot ng mga produktong agr-ikultura sa bansa.
Buwena-mano ng administration ang pagkakabunyag sa mga suwitik d sa Department of Agriculture. Patay kayo riyan!
Lumalabas na nasa loob din ng DA ang sumasabotahe upang bumaha ang mga imported na produktong agrikultura, dahilan upang malugi at mabulok ang mga ani ng mga nagsisikap nating magsasaka.
Hindi natin sinasabing ‘guilty’ na sa karumaldumal na smuggling ang mga pangalang lumulutang na ngayon ay ‘under investigation’ pa. Pero sabi nga, walang usok kung walang apoy. Ngunit malinaw na mayroong mga taong nasa likod ng organisadong sindikato sa agriculture department.
Halimbawa na rito ang balak na importasyon ng 300,000 metriko tonelada ng asukal, ang pag-angkat ng processed animal protein galing sa Italy at iba pang bansa na kontaminado ng African Swine Fever, at hindi masawatang iligal na pagpasok sa bansa ng mga imported na sibuyas, bawang, carrots at iba pang produktong agrikultura.
Mabuti na lang ay nabuking. Paano kung hindi? E di pista sila. At malakas din ang loob ng mamang pumirma!
Mukhang sanay na sanay? Isipin na lang na mismong Pangulo ng Pilipinas ang kanyang immediate boss, di ba nga si Pangulong BBM ang Secretary ng Agriculture department? Baka naman subok lang, pag nakalusot e tuloy-tuloy na, gaya ng mga pangyayari sa mga nakaraan.
Pero ‘yan pong nalantad na iligal na aktibidad sa DA e sungot pa lang o ang tinatawag na ‘tip of the iceberg’ sa industriya ng mga sindikato ng smugglers sa ating bansa.
Mula sa DA, hanggang sa Bureau of Customs, pagkuha ng mga permiso sa importasyon, at iba pa.Sanga-sanga na yan.
Ang atin lang, sana ay makatotohanan ang isasagawang imbestigasyon. Iyong talagang may mapapanagot. Walang magaganap na pagtatakip.
Umaasa ang sambayanan na sa liderato ni Pangulong BBM ay matatapos na ang pamamayagpag ng mga suwitik at mga kasabwat nila sa mga departamento ng pamahalaan.
Anomang puna o reklamo i-text sa 09266719269 o 09189274764 o i-email sa [email protected] o [email protected]
MABAGAL NA PROSESO NG PAGKUHA NG PASAPORTE, INAAYOS NA NG DFA

August 19, 2022 @4:48 PM
Views:
29