BOC, pinananagot ng solon sa talamak na smuggling sa Pinas

BOC, pinananagot ng solon sa talamak na smuggling sa Pinas

January 9, 2023 @ 12:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Tahasang inakusahan ng ilang mambabatas ang Bureau of Customs (BOC) na pabaya sa tungkuling sawatain ang smuggling sa bansa.

Patuloy na kinakalampag ni ANAKALUSUGAN Party-list Rep. Ray Florence Reyes ang BOC na gumalaw at supilin ang smuggling sa bansa na sa nakalipas na 14 na taon aniya ay patuloy na nagagawa ng mga tiwali at mapagsamantala na siyang dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“The Bureau of Customs has blood on its hands. By failing to curb smuggling of food products, it has directly allowed the inflation rate to reach its highest level in 14 years,” ani Reyes.

Sa gitna ng pagtaas ng inflation rate ay sinabi ni Reyes na dahil sa kahinaan ng BOC ay tila hinayaan lamang nito na mamayagpag at makalusot sa batas ang mga walang pusong food smugglers.

“Instead of cracking down on food smugglers and protecting local farmers, the Bureau of Customs has allowed these heartless unscrupulous individuals to go around the law, further corrupt the agency and callously contribute to the suffering of the people,” giit pa ni Reyes.

Diin ni Reyes, nawalan ng proteksyon ang mga magsasaka at nadagdagan ang pagdurusa ng mamamayan dulot ng matinding pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain.

“This crisis, caused by skyrocketing food and energy prices, is directly at odds with the administration’s agenda of food and energy security.”

Ayon kay Reyes, ang ganitong kapalpakan ng Bureau of Customs ay banta sa layunin ng administrasyon na matiyak ang seguridad ng bansa para sa pagkain at enerhiya.

Binigyang-diin pa ng mambabatas na panahon na para puspusang gampanan ng BOC ang responsibilidad na kasuhan at panagutin ang smugglers, suportahan ang mga magsasaka at tiyakin ang food and health security sa bansa.

“It is time for the Bureau of Customs to take responsibility for this crisis and take immediate action and hail smugglers to court, support local farmers, and ensure food and health security for the nation. Anything less is a betrayal of public trust and a shameless upfront to the administration’s oft-vaunted goals.” Meliza Maluntag