BOC sa mga biyahero: Clearance, rekisitos sa pagdadala ng gulay sa Pinas

BOC sa mga biyahero: Clearance, rekisitos sa pagdadala ng gulay sa Pinas

January 17, 2023 @ 8:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Mahigpit na ipinagbabawal ng Bureau of Customs (BOC) ang pagdadala ng gulay ng mga manlalakbay sa Pilipinas nang hindi kumukuha ng kaukulang clearance permit mula sa mga awtoridad.

“Travelers may not bring in vegetables (regardless of quantity) into the Philippines without the required Plant Quarantine Clearance (for personal use) or Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (for commercial use) from the Bureau of Plant Industry (BPI),” saad ng BOC sa kanilang social media page.

Ayon sa BPI, ang mga sumusunod ay nangangailangan ng clearance bago sila payagang makapasok sa bansa ay ang mga sumusunod: Buhay na halaman; nursery stock, kabilang ang mga vegetative na bahagi nito na ginagamit bilang pagpapalaganap; Mga buto at mani para sa pagtatanim; Mga sariwang prutas, gulay, at iba pang produkto ng halaman, na idineklara bilang ipinagbabawal/pinaghihigpitang pag-import sa ilalim ng Special Quarantine Orders; Pure cultures ng fungi, bacteria, virus, nematodes at iba pang phytopathogenic na materyales; Mushroom cultures; Algae cultures; Soil and plant materials for isolation of organism; Other plants cultures; Ilang uri ng hayop tulad ng mga insekto, ibon, unggoy, reptilya na maaaring magdulot ng pinsala sa mga pananim na pang-agrikultura o maaaring maging mga peste ng pananim na pang-agrikultura; Biocontrol agents at genetically modified organisms/materials.

Sinabi ng BoC na sinumang tao o kumpanya na nagnanais na magdala ng mga halaman o produkto ng halaman mula sa ibang bansa ay dapat maghain ng aplikasyon para sa mga kinakailangang permit sa National Plant Quarantine Services Division ng BPI bago ang pag-import.

“This is to safeguard and prevent the spread of plant pests in the Philippines,” giit ng BOC.

Nauna rito, hindi bababa sa 10 flight attendant ng Philippine Airlines ang nagtangkang magdala ng humigit-kumulang 40 kilo ng mga produktong pang-agrikultura, kabilang ang mga sibuyas.

Habang iniimbestigahan na ang usapin, kinondena nina Senators JV Ejercito, Raffy Tulfo, at Grace Poe ang pagpapahiya ng BoC sa mga tauhan ng PAL, habang ang mga “big-time” na smuggler at kartel ay tila hindi napapansin. JAY Reyes