Bodega ng DOLE nasunog

Bodega ng DOLE nasunog

June 30, 2018 @ 12:03 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walang nasirang dokumento sa pagsiklab ng sunog kagabi sa kanilang bodega.

Nabatid na nagsimula ang  sunog dakong alas-10:30 ng gabi kaya nakauwi na lahat ng mga empleyado.

Sa bodega umano ng mga scrap na papeles nagmula ang apoy, gayunman hindi naman na ito lumaki pa dahil maagap na nakaresponde ang mga fire volunteer.

Umabot lamang ng 20 minuto ang sunog at agad din itong naapula.

Inaalam pa ng Bureau of Fire ng Maynila ang sanhi ng naturang sunog. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)