Body cam sa BuCor personnel target ni Catapang

Body cam sa BuCor personnel target ni Catapang

November 11, 2022 @ 3:01 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinatarget ngayon ni Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang na lagyan ng body cameras ang mga tauhan nito upang maiwasan na maging kasabwat ang mga ito ng drug lords.

“Kasi meron akong i-implement ngayon na mass cam. Ang purpose is to guard the guardians. Sila may body cam hindi para bantayan ‘yung mga preso,” sinabi ni Catapang sa panayam ng DZBB nitong Biyernes, Nobyembre 11.

“Binibigyan ko sila ng dahilan para hindi na mautusan ng mga drug lords, na maging accomplices,” dagdag pa niya.

Sinabi ito ni Catapang nang matanong tungkol sa kaugnayan sa droga ng ilan sa kanilang mga empleyado.

Matatandaan na nauna na rin siyang tinanong sa komento nito kaugnay ng pagkakasuspinde kay BuCor chief Gerald Bantag.

“Unang-una, ‘yung binalik ko sabi ko doon sa magi-issue ng order siguraduhin mo wala ‘yang pending case. Kapag malaman ko na may pending case ‘yan eh ako mismo ang mago-order sa’yo na mawawala tiwala ko sayo,” ani Catapang.

Kamakailan ay nakumpiska ng BuCor ang sari-saring kontrabando katulad ng kutsilyo, baril, cellphone, mga illegal na droga at aabot sa 7,500 na lata ng beer na isinuko ng mga bilanggo.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan kung bakit napayagan ang mga ito na makapasok sa NBP. RNT/JGC