Body cams ng mga pulis, may night-vision



Body cams ng mga pulis, may night-vision

June 6, 2021 @ 10:26 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na may kakayahang makakita sa gabi o may night vision ang mga body-worn cameras (BWCs) ng mga pulis sa ikinakasang operasyon.

Kaya rin umano nito na makita ang mga bagay-bagay sa madidilim na lugar, dagdag pa ni Eleazar.

Ani Eleazar na talagang ikinonsidera umano ng Philippine National Police ang mga bagay na ito bago bilhin ang mga body cams.

Dagdag pa ng PNP Chief na ang nasabing biniling BWCs ay ang pinakamaganda sa merkado na maaring gamitin sa gabi o sa masamang panahon dahil water-proof din ito at kayang makapagrekord ng audio at bidyo ng walong oras.

Ang mga datos na makukuhanan sa body cam ay didiretsyo sa PNP Command Center para sa management at monitoring.

“The BWCs will only be turned off once the operation is concluded. During the arrest, recording will stop upon turn-over of the suspect to the detention facility,” ani Eleazar.

Nasa 2,696 BWCs ang nabili ng PNP.

Ipinamahagi ito sa 170 police stations kabilang ang 20 police offices sa malalaking syudad, 108 city police stations, limang police districts ng National Capital Region Police Office, 15 city at municipal stations sa Metro Manila. RNT


  •  
  •  
  •