Body-worn cameras para sa enforcers, ikakasa ng LTO

Body-worn cameras para sa enforcers, ikakasa ng LTO

January 31, 2023 @ 11:06 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Land Transportation Office (LTO) nitong Martes na ilulunsad nito ang paggamit ng body-worn cameras para sa kanilang enforcers para maiwasan ang bribery.

“Kaakibat po nitong hand-held device, ilulunsad din natin ‘yung ating mga body camera and this time with functioning audio,” sabi ni LTO Executive Director Giovanni Lopez.

“So lahat ng mga bagay-bagay na pamamaraan na sa tingin naman po ng LTO at ni [Assistance Secretary Jose Arturo “Jay Art” Tugade] para po maiwasan po natin ang pangongotong ay ginagawa po natin,” dagdag niya.

Base kay Lopez, ire-require sa LTO officers na magsuot ng body cameras habang naka-duty.

Nitong Lunes, inanunsyo ng LTO na uumpisahan nito ang paggamit ng automated handheld device para sa pag-iisyu ng tickets sa traffic violators sa susunod na linggo. Sa ilalim ng Phase 2 ng implementasyon nito, sinabi ni Lopez na tatanggap ang LTO ng cashless payments. RNT/SA