Bodyguard tiklo sa boga

Bodyguard tiklo sa boga

July 10, 2021 @ 3:33 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Arestado ang isang 38-anyos na kelot na umano’y bodyguard ng isang kilalang personalidad  nang makumpsikahan ng baril na walang kaukulang papeles sa checkpoint sa Navotas City Biyernes ng gabi.

Pakuya-kuyakoy ngayon sa karsel si Galiber Ocampo y Daizon, ng  Las Palmas Subd., Brgy. Cay Pombo, Sta. Maria, Bulacan

Sinakote si Ocampo 11:50 pm sa  checkpoint sa M. Naval St., Cor. Leongson St., Brgy. San Roque, Navotas City matapos na mamataan ng mga parak ang nakasukbit na boga ng suspek at walang mailitaw na permit to carry the firearm outside of residence.

Nakumpiska sa suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Act ang isang kalibre 45 na may serial number, dalawang magazine at 14 na bala ng nasabing baril. Merly Iral