BOGUS COMPANY NA NANDARAYA SA BIR, IBINUNYAG

BOGUS COMPANY NA NANDARAYA SA BIR, IBINUNYAG

March 5, 2021 @ 12:15 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

NGAYON naman, mga pare koy, simulan nating ibunyag ang ilan sa malalaking kompanya na malakas kumita pero numero unong tax evader o nandaraya sa pagbabayad ng buwis.

Opo.. napakarami ang mga ganyang uri ng mga kompanya sa ating lipunan kung sino pa ‘yung mga milyonaryo o may pera ay sila pang pasimuno sa pandaraya sa pagbabayad ng buwis sa BIR.

Ewan ko ba kung bakit ganito ang mga istilo ng mga lintik na ito, ubod nang yayaman pero hanggang ngayon ay ayaw pa ring pumarehas, hindi natin malaman kung saan nila dinadala ang kanilang mga pera ganong hindi naman nila ito madadala sa hukay kapag isa-isa nang nangamatay ang mga ito.

Bakit hindi na lamang pumarehas ng laban ang mga ulol na ito upang ang mga babayarin nilang buwan-buwang buwis sa Bureau of Internal Revenue ay mapakinabangan ng ating mga kababayan kaysa sa ginagastos nila na wala namang kapararakan.

May isa akong alam na kompanya na may ganitong klaseng modus na nananamantala sa pagbabayad ng buwis sa BIR sa kabila ng sangkatutak ang kanyang mga bodega o warehouse pero kung magbayad naman ng buwis sa BIR ay kakapiranggot….

Bakit?

Ang produkto ng kompanyang ito ay frozen dairy products na ang main office nito kung hindi ako nagkakamali ay matatagpuan sa may Sta. Rita, Guiginto, Bulacan na pagmamay-ari ng isang  negosyanteng alyas Boss Boy.

Ang pinagtatakahan ko lang rito kay Boss Boy ay kung bakit ‘yung ‘apo’ niya  na wala namang kamuwang-muwang sa takbo ng kanilang negosyo ay kung bakit ginagamit nila ang pangalan nito sa delivery receipt sa halip na official receipt ang gamitin sa resibo sa mga warehouse nito.

Ano kaya ang dahilan kung bakit kailangan pa ng ulol na may-ari ng kompanyang ito ang  pangalan ng kanyang apo para makapandaya lang ng buwis ganong ang laki ng kinikita nito sa kanyang kompanya.

Ang delivery receipt ay kahit anong kompanya ay pwedeng magpagawa o magpaimprenta kahit saang imprenta maging sa Recto man subalit ang official receipt ay hindi ka makakukuha nito kung ‘di mag-iisyu ang BIR.

Saan-saan nga ba matatagpuan ang lugar ng mga bodega nito na masasabi natin na talagang kumikita ito ng mucho-mucho pero kung tutuusin ay walang permit-to-operate ang mga depot nito na kung meron man ay mangilan-ngilan lang at ang iba ay paso pa ang mga permit.

ATENSYON: BIR mukhang niloloko kayo nitong si Boss Boy

ABANGAN ANG KARUGTONG PA……

MATIBAY KAY MAYOR  

Muli tayong kinalampag ng mga residente ng Mandaluyong City na patuloy pa rin daw ang operasyon ng bookies ng loteng nitong si Mang Ben Tanda sa kaharian mismo ni Mandaluyong Mayor Menchie Abalos ni hindi man lang natinag sa kabila ng pinanawagan na natin ito.

E, mahirap nang magsalita o magbintang mukhang malakas kay Mayora itong si Mang Benta Tanda kaya hanggang ngayon ay hindi magalaw-galaw ang ino-operate na pasugalan ng mama.

Paging: Mayor Abalos, kung hindi ninyo kaya ay mag-resign na kayo!

oOo

Anomang puna o reklamo i-text sa 091892747464,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]


  •  
  •  
  •