Bokyang budget sa 2019 – imposible sa ilalim ng liderato ni SGMA

Bokyang budget sa 2019 – imposible sa ilalim ng liderato ni SGMA

August 5, 2018 @ 1:48 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang mga Kongresista na hindi na mauulit sa liderato ni House Speaker Gloria Macapagal – Arroyo ang ma-zero budget ang mga kumokontra sa kaniyang liderato.

Ito ang sinabi ni House Deputy Speaker Fredenil Castro dahil nakapagbitiw na aniya ng salita ukol dito ang speaker.

“Palagay ko naman hindi na. Nagbitiw naman siya (GMA) ng pananalita. Nagbitiw na siya ng commitment. At saka ang sitwasyon noon ay iba. Noon ay presidente siya, ngayon ay speaker siya. Kaya palagay ko naman ay hindi na mauulit yong mga ganong pagtrato sa ilang kasapi ng mababang kapulungan,” ani Castro.

Magugunitang sa ilalim ng administrasyong Arroyo dumanas ng zero-budget ang mga nasa oposisyon sa Kamara lalo na ang pumabor na siya ay ma-impeach.

“Nakita ko na listahan ng zero budget.  Bibigyan lahat ng budget at gesture of goodwill, hindi sila bibigyan ng zero,” naunang pahayag ni CGMA.

Maging sina dating Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. ng Quezon City, Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas at Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo ay humanga sa pagiging statesmanship ni SGMA sa pagtitiyak na walang mabobokya sa 2019 budget kahit ang mga kritiko pa nito.

“I praise GMA for her sense of fairness. There’s absolutely nothing unconstitutional about ensuring that all members of Congress including oppositionists get a fair share of projects for their districts. She  was herself deprived of her previous position as Deputy Speaker for voting against the death penalty which was to her a matter of conscience,” ani Belmonte.

Naniniwala naman si Abu na ang national budget sa ilalim ng liderato ni SGMA ay magiging transparent line-item system at na nito bubuhayin ang  lump-sum fund allocations na siyang pinag-ugatan ng pork barrel funds na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema noong November 2013.

“Line item budgeting is legal and constitutional. Looking at the General Appropriations Act from previous years, you can see that all projects implemented on every districts were listed there. That is line-item budgeting. Let it be known that the allocations are for congressional districts,” dagdag pa ni  Abu. (Meliza Maluntag)