BOL, inaasahang lalagdaan ni Pangulong Duterte bago ang kanyang SONA

BOL, inaasahang lalagdaan ni Pangulong Duterte bago ang kanyang SONA

July 19, 2018 @ 4:28 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – TiniyakĀ ng Malakanyang na lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang Bangsamoro Organic Law (BOL) bago ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na maayos na naipasa ng bicameral conference committee ang bersyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law.

Inaasahan naman ng Senado at Kongreso na raratipikahan ang nasabing measure kapag binuksan na ang third regular session sa umaga ng Hulyo 23 at bago pa isapubliko ni Pangulong Duterte ang kanyang talumpati para sa kanyang Ulat sa Bayan.

Inaasahan na pipirmahan ni Pangulong Duterte ang BBL upang ganap na itong maging batas

“As soon as we receive the consolidated version of the proposed Republic Act, the President can sign,” ayon kay Sec. Roque.

Pinasalamatan naman ni Sec. Roque ang mga mambabatas at ang Bangsamoro Transition Commission para sa kanilang ginawa.

Inaasahan naman ni Secretary Roque na tatalakayin ni Pangulong Duterte ang BOL sa kanyang SONA.

Matagal nang itinutulak ni Pangulong Duterte ang BOL na naglalayong tapusin na ang ilang dekada nang hidwaan sa rehiyong Mindanao sa pamamagitan ng paglikha ng political entity na ikasisiya ng mas nakararami kaysa sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) lamang. (Kris Jose)