BOL, lalagdaan na ni Pangulong Duterte, mamaya bago ang kanyang SONA

BOL, lalagdaan na ni Pangulong Duterte, mamaya bago ang kanyang SONA

July 23, 2018 @ 9:33 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Inaasahan na ng Malakanyang na lalagdaan mamya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Bangsamoro Organic Law bago pa ang kanyang ikatlong State Of the Nation Address (SONA).

Ito’y sa kabila ng nananatiling neutral at nagre-reserve ng paghatol ang publiko sa pagpasa ng BOL .

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kinikilala nila ang maigting at pagsusumikap na pagta-trabaho ng Kongreso at Bangsamoro Transition Commission (BTC)na nagdala sa historic law na ito.

“Which would not only forge lasting peace in Mindanao but would also provide the much needed economic development in the island,” ani Sec. Roque.

Sa ulat, neutral o walang kinikilingan ang mga Filipino sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na tinawag ng BOL.

Batay sa resulta ng survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) noong Hulyo 20, 40 porsiyento ng Filipinos ang “undecided” o hindi makapagdesisyon kung dapat bang ipasa ng Kongreso ang BOL habang 31% ang payag dito.

Samantala, 28 porsiyento naman ang nagsabing hindi sila sang-ayon sa pagpapasa ng BOL.

Binigyan ito ng net agreement score na +3 o “neutral”, ayon sa SWS.

Isinagawa ang survey mula Hunyo 27 hanggang 30 sa 1,200 respondents.

Naitala ang pinakamataas na pagpabor sa BOL sa Mindanao sa 36%, sa Luzon ay 29 porsiyento habang sa Visayas ay 26%. Kris Jose