BOL, naratipikahan na ng Senado

BOL, naratipikahan na ng Senado

July 23, 2018 @ 11:53 AM 5 years ago


Manila, Philippines – Niratipikahan na ng Senado ang panukalang Bangsamoro Organic Law, ilang oras bago ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Bangsamoro Law ay isa sa mga kailangan sa ilalim ng 2014 peace agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Noong nakaraang lingo ay nagkasundo ang senado at kongresso sa kanilang bersyon sa mga isinagawa nilang bicameral meetings.

Mamaya, bago ang Ulat sa Bayan ay inaasahan na itong mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang BOL na dating Bangsamoro Basic Law ang magiging daan para makabuo ng bagong rehiyon na tatawaging Bangsamoro ARMM o BARMM.

Sasakupin ng bagong rehiyon ang mga sakop na lugar ng ARMM. (Remate News Team)