BOL, titintahan na ng pangulo

BOL, titintahan na ng pangulo

July 26, 2018 @ 6:53 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Pipirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposed Bangsamoro Organic Law para sa mga taga-Mindanao.

Matatandaang 48 oras ang hiniling ng pangulo noong ikatlong State of the Nation Address (SONA) para basahin ang ipinasa sa kanya ng mga mambabatas bago ito pirmahan.

“Ako naninguha (ako ang nagpursige), signed na ang BBL,” pormal na inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-69 na Araw ng Ipil sa Ipip Municipal Plaza sa Zamboanga Sibugay Province.

Dagdag nito, kailangan niya pa rin kausapin at kumonsulta kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chair for Political Affairs Ghadzali Jaafar at Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Murad Ebrahim.

“And also I’d like to talk to Nur so that we can have it by the end of the year. I can create also just like an autonomy for him if that’s what he wants, and pending the federal system implementation he can just wait for it if trusts me” banggit nito sa magkahalong Tagalog at Bisaya sa pagtutungkol kay Moro National Liberation Front founding chair Nur Misuari.

Pero kalaunan ay nilinaw nina Presidential Spokesperson Harry Roque at Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, na pipirmahan pa lang ito ng Pangulo.

Ang BOL ay isa sa mga requirement ng 2014 peace agreement sa pagitan ng gobyerno at MILF.

Nakatakda sanang pirmahan ng pangulo ang nasabing batas noong SONA 2018 pero dahil sa nangyaring komosyon sa paghirang kay bagong House Speaker Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ay naunsiyami ang pagratipika dito ng kongreso. (Remate News Team)