BOL+ARMM = ?

BOL+ARMM = ?

August 4, 2018 @ 5:25 PM 5 years ago


Pinirmahan na ni Pres. Rodrigo Roa Duterte ang Bangsamoro Organic Law at anomang araw ay maghaharap na sila at ang sa BOL leaders mula sa hanay ng Moro Islamic Liberation Front para matapos na ang anomang sigalot sa Mindanao.

Ang BOL ang batayan ng papalit sa pamunuan at estado ng Autonomous Region for Muslim Mindanao. Inaasahan ng lahat na magiging matino, maayos at matuwid ang bagong estado para sa mga kapatid natin sa Mindanao, hindi lang para sa mga Muslim, kundi sa lahat ng mamamayan doon.

Bagaman may daraanan pa ang bagong buo na Bangsamoro region, inaasahan na papasa ito sa mayorya ng mamamayan doon at magiging maganda simula ng bagong administrasyon sa kabuuan.

Maganda rin ang sinabi nina MILF chairman Al Haj Murad at vice chair Gadzali Jaafar. Sa sandaling pumasa na ang BOL, magkakanlong na sila ng kanilang sandata at magsisimula ng bagong buhay tungo sa isang positibong pagkilos at pagpapaunlad sa kanilang rehiyon.

Ngayon pa lang ay inaasahan na natin ang tunay na pagbabago sa Mindanao at pamamahala ng BOL-ARMM. Mawawala na ang pangit na mukha ng ARMM. Maraming empleyado ang kulang sa sweldo at mga guro na hindi nababayaran kundi man sobĀ­rang huli sa pasahod.

Ganyan din ang nangyari sa kanilang programa at proĀ­yektong imprastraktura na halos walang natapos dahil sa ā€œmarahasā€ na pulitika, katiwalian at korapsyon!

Kung tutuusin, marami rin namang naupo na mataas na opisyal sa ating mga nagdaan na pamahalaan. Marami ang naging mambabatas sa Senado at Kamara pero masakit man ngunit totoo, hindi sila nakapagsilbi nang tama sa kanilang mga kababayan!

Napapanahon kung gayon na patunayan nina Murad at Jaafar ang kanilang liderato. Una na ang totohanang pagkanlong ng kanilang sandata at tapusin dapat nila ang lahat ng anyo ng krimen sa lugar.

Sana ay maputol na rin nila ang anomang uri ng rebelyon doon, lalo na ang teroristang grupo ng Maute-ISIS na nagpuĀ­pumilit din na magtayo ng sariling estado sa Mindanao!

Alam natin ang hidwaan ng mga angkan sa Mindanao. Maguindanawo laban sa Maranaw at sa Tausog na nagsimula pa noong isilang ang Islam doon. Dugo at paniniwala. Paghahari at monarkiyang awayan.

Pero malulutas ito. Sabi mismo ni Pang. DUTERTE, paniĀ­nindigan niya! Wa assalam allikum waramahutla mubarakat sa inyong lahat! – BALETODO NI ED VERZOLA