Boluntaryong pagsusuot ng face mask sa eskwelahan, kinontra ng ACT

Boluntaryong pagsusuot ng face mask sa eskwelahan, kinontra ng ACT

November 3, 2022 @ 1:55 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nag-aalala ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa inilabas na polisiya ng Department of Education na gawing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask maging sa loob ng eskwelahan.

Ayon sa ACT nitong Huwebes, Nobyembre 3 ay napakadelikado nito para sa mga estudyante at mga guro.

Tila umano inaalis ng DepEd ang pinakasimpleng paraan ng proteksyon kontra COVID-19 kasabay ng hindi pagbibigay ng pondo para sa pagtulong sa mga nagpositibong guro at estudyante sa COVID-19 kasabay ang testing linggo-linggo.

“The DepEd should at least implement minimum health standards in schools, especially wearing face masks, since it cannot even provide adequate facilities to implement proper social distancing. Cramped classrooms also fail to provide proper ventilation,” pahayag ni ACT Rep. France Castro.

“The government refuses to provide teachers and students adequate funds for free treatment in case of positive cases of COVID-19 in schools, it refuses to provide weekly testing for teachers and school personnel, there are no school nurses or adequate clinics in schools, now it allows the optional wearing of face masks in schools, removing the bare minimum of health standards in schools to protect teachers and students from the COVID pandemic,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Castro, sa halip na pagtuunan ng pansin ang pagtutulak na maging mask-less sa loob ng paaralan ay tutukan muna ang mga isyu tulad ng kakulangan ng health facilities at health professionals sa mga paaralan kasabay ng problema sa bentilasyon.

“The government must first address the overcrowding in classrooms, the lack of school health facilities and school nurses, the poor ventilation in classrooms, and the lack of a medical fund for infected teachers and personnel before doing away with face masks,” aniya.

“Ensuring a safe school environment not only protects teachers and students from diseases, but it also improves the quality of education our students receive and a safer work environment for teachers and school personnel,” pagdidiin nito.

Matatandaan na kamakailan ay kinumpirma ng DepEd na susundin nila ang kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pamamagitan ng Executive Order No. 7 na ginagawa na lamang opsyonal ang pagsusuot ng face mask hindi lamang sa outdoor settings kundi maging sa indoor settings. RNT/JGC