Boluntaryong pagsusuot ng face mask sa indoor spaces, aprub sa mga solon

Boluntaryong pagsusuot ng face mask sa indoor spaces, aprub sa mga solon

October 26, 2022 @ 11:07 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Suportado ng ilang mambabatas ang plano ng pamahalaan na gawing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor spaces.

Isa na rito si Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo na ayon sa kanya, inaabangan na nito ang paglalabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng executive order (EO) na aalisin ang mandatory mask-wearing sa mga nasabing lugar.

“We await the issuance of the executive order from President Ferdinand Marcos Jr. on where specifically indoor voluntary wearing of face masks will be allowed,” pahayag ni Rep. Tulfo.

Matatandaan na kasabay ng press briefing sa Palasyo, sinabi ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco na ang EO ay nakatakdang gawing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa buong bansa na walang exeptions.

Sa kabila nito, obligado pa rin ang publiko na magsuot ng face mask sa mga pampublikong transportasyon, medical transportation at medical facilities.

Katulad ni Tulfo, pareho din ang pananaw ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, na ikinukunsidera ang transition sa voluntary mask wearing na bahagi ng pagpunta ng bansa sa new normal.

“Health authorities seem to be unnecessarily overly cautious and have needlessly delayed further relaxing of Alert Level One public health safety protocols,” pahayag ni Chua.

Aniya, mahirap at hindi komportable sa mga turista, estudyante at mga guro ang magsuot ng face masks, gayong nabakunahan na rin naman ang mga ito ng COVID-19 vaccine.

“They should instead make more of the bivalent booster vaccines available and readily accessible now and more so in the coming weeks. The boosters are the better alternative to mask-wearing,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, kailangan pa ring magkaroon ng pag-iingat ang pamahalaan dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

“Mask mandates should remain in all hospitals. What should also remain permanent protocols are those on frequent handwashing and much better ventilation inside buildings and workplaces,” paliwanag ni Chua.

“For tourism sites and campuses there really must be consistency in the safety protocols. Voluntary masking and bivalent boosters would be the right steps,” dagdag pa niya.

Naniniwala naman si Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon (BH) Party-list Rep. Bernadette Herrera na dapat ay panatilihin pa rin ng pamahalaan na maikli ang listahan ng mga lugar na papayagan sa voluntary mask-wearing.

“We can readily see from the DOH (Department of Health) Covid bulletins that resilience against Covid is quite strong and high now, more than ever before alongside the reopening of the economy, face-to-face classes in schools, and resurgence of tourism,” ani Herrera. RNT/JGC