Bomb scare sa QC school ‘cleared’ na – PNP

Bomb scare sa QC school ‘cleared’ na – PNP

January 23, 2023 @ 1:00 PM 5 days ago


MANILA, Philippines – Idineklara nang ‘cleared’ ng pulisya ang New Era Elementary School sa Quezon City na nauna nang binalot ng takot dahil sa bomb scare, Lunes ng umaga, Enero 23.

Ito ang siniguro ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. kung saan ininspeksyon na ng kanilang Explosive Ordinance Disposal (EOD) unit ang kabuuan ng paaralan kasabay ng patuloy na pagtunton sa nagpasimula ng bomb scare sa paaralan.

“As of 8:45 today, na-clear na ng EOD [team] iyong area. Ibig sabihin, medyo na-declare na na cleared iyong area but still, iyong pulis natin tinitingnan saan nanggaling iyong tawag…so tuloy iyong imbestigasyon doon although na-clear na iyong area,” pahayag ni Azurin.

Dagdag pa, ang desisyon kung sususpindehin ang klase sa nasabing paaralan ay nasa diskresyon na ng mga opisyal ng paaralan.

“Kung sasabihin na cleared na, balik na sa pasok ang school, so nasa management na iyan ng New Era,” pagtatapos nito. RNT/JGC