Bombastik Pumping Station pinasinayaan sa Navotas

Bombastik Pumping Station pinasinayaan sa Navotas

September 2, 2022 @ 1:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinasinayaan at binasbasan ang BBS (C4) 3 Bombastik Pumping Station sa Brgy. Bagumbayan South. Ito ang pang-69 na pumping station na itinayo sa lungsod.

Sa talumpati, nagpaalala si Mayor John Rey Tiangco na maging responsable sa pagtapon ng basura. Ito ay para maiwasan na mapunta at magbara ang mga dumi sa mga kanal at hindi mahigop ng bombastik ang tubig na siyang namang naging sanhi ng pagbaha. Jojo Rabulan