BONDS by IQOS inilunsad ng PMI

BONDS by IQOS inilunsad ng PMI

November 23, 2022 @ 4:27 PM 3 days ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philip Morris International Inc. ang ‘global launch’ ng kanilang pinakabagong heated tobacco product sa Pilipinas, ang “BONDS by IQOS.”

Layon nito na pabilisin ang kanilang hangarin na kaagad na maisakatuparan ang kanilang smoke-free future vision.

“BONDS by IQOS represents another step forward in our ambition to replace cigarettes with innovative, science-based, smoke-free alternatives,” ayon kay PMI Chief Executive Officer Jacek Olczak.

Ang BONDS by IQOS , sinamahan pa ng “specially designed tobacco sticks” na BLENDS ay bagong produkto mula sa IQOS, itinuturing na No. 1 tobacco heating system sa buong mundo.

“It offers adults who would otherwise continue to smoke access to a compact, low maintenance and hassle-free to use smoke-free product—validated by science as a better alternative to cigarettes,” ayon kay Olczak.

Ang BONDS by IQOS at BLENDS ay kapwa available sa Kalakhang Maynila “as of November 21, 2022, ” kung saan mas maraming sari-sari stores ang mabibilhan ng nasabing produkto sa susunod na taon.

Sa kabila nang batid naman na walang “single smoke-free product” ang maka-engganyo o makaaakit sa lahat ng adult smokers, sinabi ni Olczak na “providing a range of alternatives to continued smoking—with a variety of taste, technology, usage, and price options—is imperative and helps us to address a range of preferences as diverse as adult smokers themselves—ultimately encouraging them to leave cigarettes behind.”

Sa kabilang dako, tinuran naman ni PMFTC President Denis Gorkun na ang pananaw ng PMI ay makapag-deliver ng ‘smoke-free future.’

Ang PMFTC, Inc. ay local affiliate ng PMI.

“PMFTC, as the market leader in the Philippines, is committed to put the country at the hub of the global smoke-free future. The addition of BONDS by IQOS to our smoke-free portfolio in the Philippines is another significant step towards that goal of a smoke-free future for 16 million Filipino smokers and their loved ones,” ani Gorkun.

Sinasabing pinapainit ng BONDS by IQOS ang tobacco sa halip na sunugin ito at nakapagbibigay ng authentic tobacco taste satisfaction ng walang abo at hindi masyadong maamoy kaysa sa sigarilyo.

Itinatampok rito ang “resistive external heating, with no blade, via the ROUNDHEAT TOBACCO SYSTEM.’

Kapag ang BONDS by IQOS ay napainit na ang tobacco, naglalabas ito ng average na 95% ng mababang level ng masamang kemikal kumpara sa sigarilyo.

Matatandaan na ang IQOS, itinuturing na “most successful tobacco heating device” sa buong mundo ay inilunsad ng PMFTC noong 2020 sa Pilipinas kasama ang tobacco sticks na tinawag na HEETS.

Sa kasalukuyan, available na sa buong bansa ang IQOS at HEETS.

Gaya ng lahat ng ‘smoke-free, nicotine containing products ng PMI, ang BONDS by IQOS ay inilaan talaga o sinadya para sa mga taong nasa hustong gulang na gustong ituloy ang paninigarilyo o gumamit ng ibang nicotine products, at naghahanap ng mas mabuting alternatibo sa sigarilyo.

“BONDS by IQOS provides an opportunity to address consumer acquisition barriers for this segment, most notably up-front device costs and authentic tobacco taste satisfaction—providing further options of innovative smoke-free options to help ensure they do not go back to cigarettes. Through continuous innovation, we want to ensure that all adult smokers who would otherwise continue smoking, switch and abandon cigarettes,” ayon kay Olczak.

“With the Filipino adult smoker in mind, we endeavor to offer accessible, affordable science-backed alternatives to smoking combustible cigarettes, with the goal to accelerate the realization of that transformative vision,” ang pahayag naman ni Gorkun.

Ang BONDS by IQOS ay mabibili sa halagang P990 kada isang device habang ang BLENDS naman ay mabibili sa halagang P100 kada pakete o kaha.

Ang BONDS by IQOS ay dinisenyo para gamitin lamang sa BLENDS tobacco sticks na makapagbibigay ng iba’t ibang lasa ng tobacco.

Sa panahon ng paglulunsad, ang BLENDS tobacco sticks ay magiging available sa apat na iba’t ibang flavors, kabilang na rito ang classic at menthol.

Ang fully charged BONDS by IQOS ay nakapagde-deliver ng 20 gamit, kabilang na ang tatlong ‘consecutive experiences’.

Ang BONDS by IQOS ay mayroong apat na iba’t ibang kulay.

Kumpiyansa naman ang PMI na makakamit nila ang smoke-free future kung ang lahat ng adult smokers na hindi tumitigil sa paggamit ng tobacco at nicotine ay may “kamalayan, access at kayang lumipat sa mas mabuting alternatibo.”

Layon ng PMI na sa taong 2025, hindi bababa sa 40 milyong adults na nagpapatuloy ng kanilang paninigarilyo ay lilipat na sa kanilang smoke-free products at sa taong 2025 pa rin ay mahigit 50% ng kanilang total net revenues ay manggagaling mula sa smoke-free products.

“As of September 30, 2022,” sa pagtatantiya ng PMI, mayroong 19.5 milyong kabuuan ang IQOS users, hindi kasama rito ang Russia at Ukraine kung saan pumalo naman sa 13.5 milyon ang lumipat sa IQOS at tumigil sa paninigarilyo na mayroong balanse sa iba’t ibang stages ng konbersiyon. RNT