Bong Go, ‘di natuloy sa N. Samar sa aberya sa flight; tulong, tiniyak na makakarating

Bong Go, ‘di natuloy sa N. Samar sa aberya sa flight; tulong, tiniyak na makakarating

January 17, 2023 @ 5:03 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi natuloy si Senador Bong Go sa pamamahagi ng tulong sa mga Pilipinong apektado ng masamang panahon sa Northern Samar, dahil sa aberya sa flight.

“At 10am today, our plane had to abort the flight at NAIA after developing a mechanical issue in one of its engines. My team and I were supposed to be on our way to distribute assistance to our fellow Filipinos affected by heavy rains and floods in Mapanas, Catarman and Lavezares, all in Northern Samar. I was also scheduled to inspect the Super Health Center and a newly constructed covered court in Lavezares, as well as the renovated public market in Catarman today,” pagbabahagi ng senador.

Tiniyak naman niya na bagama’t hindi siya nakapunta, makakarating ang tulong para sa mga apektado ng pag-ulan at baha, kung saan daan libong indibidwal ang apektado.

“Despite best efforts to secure alternative flights, with much regret, we cannot push through with my personal visit. The safety of everyone on board is also paramount. However, we made sure that the scheduled activities, particularly the distribution of much needed assistance to the affected families, be conducted without delay. My staff had been on the ground in Northern Samar for several days already, assisting local authorities address the needs of the victims,” pagtitiyak ni Go.

“Salamat sa Diyos na ligtas naman kami at walang gaanong aberya ang idinulot sa ating paliparan sa nangyari. I commend the MIAA personnel for the swift recovery action to minimize adverse impact on other flight operations and the plane crew for ensuring our safety,” aniya pa.

“God willing, patuloy po akong bibisita sa ating mga kababayang tinamaan ng sakuna at nangangailangan dahil sa iba’t ibang krisis na hinaharap ng ating bansa. Tutulong po ako sa abot ng aking makakaya nasaan man kayo sa bansa.” RNT/SA