BONG GO, ITINUTULAK ANG E-GOVERNANCE

BONG GO, ITINUTULAK ANG E-GOVERNANCE

December 10, 2021 @ 8:19 AM 10 months ago


Binigyang diin ni Senator Chritopher ‘Bong’ Go ang kahalagahan ng e-governance o ang paglipat ng mga pamamaraan ng transaksyon ng pamahalaan sa online platforms na talaga namang malaki ang maitutulong sa paglikha ng trabaho, ekonomiya at takbo ng negosyo sa bansa.

Noong July 2020, inihain ni Sen. Go ang Senate Bill No. 1738 o ang E-Governance Act of 2020 na magbibigay mandato sa pamahalaan na bumuo ng integrated, interconnected at interoperable information and resource-sharing at communications network kasama na ang paggamit ng online platforms sa pakikipagtransaksyon sa publiko.

Kung susuriin, talagang maraming benepisyo ang panukalang ito ni Sen. Go higit lalo ngayong pandemya na mas iniiwasan ang personal contact ng mga tao dahil sa banta ng hawaan sa COVID-19. Malaking ginhawa rin para sa publiko na gawin ang kanilang transaksyon sa gobyerno sa loob ng kanilang tahanan.

Malaking tulong rin ito para tuluyang putulin ang red-tape sa pamahalaan dahil magiging recorded ang lahat ng transaksyon at madaling makita kung anong request ang mas nabibigyan ng pansin at alin ang naiiwan at hindi natutugunan. Isa itong magandang paraan upang maiwasan ang lagayan at “palakasan system.”

Sa pasgsusulong na ito ni Sen. Go ng ganitong inisyatibo, napatutunayang talagang ayaw nito ng korapsyon sa at sa anuomang paraan ay handa itong tumulong upang sugpuin at tuluyang wakasan ito.

At habang sinosolusyunan ang koraspyon sa pamamagitan ng e-governance, mas nabibigyan pa ng comfort ang mga Pilipino pagdating sa pakikipag-ugnayan sa ahensya ng pamahalaan sa panahon ng kanilang pangangailangan.

Kung tutuusin, matagal nang nariyan ang online platforms pero nakapagtataka kung bakit ngayon lang, sa pamamagitan ni Sen. Go, nabibigyan ng importansya ang paggamit nito sa transaksyon ng pamahalaan.

Kung naipatupad lang ito bago pa dumating ang pandemya, sana’y nakapag-adjust na ang publiko sa paggamit nito at hindi na nakaranas pa ng pagkaantala ang implementasyon ng mga programa na siya ring naapektuhan ng paglaganap ng COVID-19 sa bansa.