Bong Go: Magtulungan para sa taumbayan

Bong Go: Magtulungan para sa taumbayan

October 17, 2020 @ 4:20 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – “Importante, magtulungan para mabigyan ng kasiyahan ang taumbayan.”

Ito ang pahayag ni Senador Bong Go kasunod ng pagso-sorry ni DENR Undersecretary Benny Antiporda sa UP kaugnay sa isyu ng dolomite beautification project sa Manila Bay.

Sinabi ni Go na ang mahalaga ay magtulungan ang  mga ahensya ng gobyerno at iba pang grupo para mabigyan ng magandang tanawin ang mga mamamayan partikular ang mahihirap lalo na ngayong panahon na hirap ang marami.

Ayon kay Go, hindi na kailangang pumunta ng Boracay ang mga residente ng Metro Manila lalo na ang mga walang budget para makakita ng white sand.

Pabiro pang sinabi ni Go kung gugustuhin ng mga tao ang makakita ng white sand o dumi ng tao na lulutang-lutang sa Manila bay.

Samantala, pinatitiyak naman ni Go sa concerned government agencies na walang masayang na pondo ang  gobyerno at gamitin ng tama para sa serbisyo sa tao. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...