Bong Go makikipag-usap kay Gierran ukol sa utang sa PRC

Bong Go makikipag-usap kay Gierran ukol sa utang sa PRC

October 17, 2020 @ 3:08 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Siniguro ni Senador Bong Go na kakausapin niya si PhilHealth President and CEO Dante Gierran hinggil sa mga hindi pa nababayaran sa Philippine Red Cross na naging dahilan kaya inihayag nitong hindi na muna sila magsasagawa ng   COVID-19 test gamit ang health benefit ng ahensya.

Sinabi ni Go na titiyakin niyang anoman ang problema, hindi na dapat tagalan ang pagresolba dahil serbisyo sa taumbayan ang maantala.

Ayon kay Go, batid naman ng lahat ng malaki ang testing capacity ng Red Cross at hindi dapat maaantala ang resulta ng COVID-19 tests.

Aminado ang senador na malaking tulong ang nagagawa ng  Red Cross lalo pa at may malaki itong testing capacity na kailangan ngayon para sa pagtugon sa pandemya.

Pinatitiyak din ni Go na dapat ay tuloy-tuloy ang serbisyo sa taumbayan.

Matatandaang nagpahayag ang Red Cross na hindi na muna tatanggap ng mga COVID-19 testing gamit ang PhilHealth dahil hindi pa nila nakokolekta ang halos isang bilyong pisong collectible sa ahensya. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...