PH navy warship, minanmanan ng 4 Chinese vessels – PCG

February 4, 2023 @4:32 PM
Views: 9
MANILA, Philippines- Minamanmanan ang isang Philippine Navy warship ng dalawang Chinese Coast Guard vessels at dalawang Chinese maritime militias malapit sa Mischief Reef – isang low-tide elevation sa Spratly Islands, kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado.
Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo na nagsagawa pa ang Chinese maritime militia “fishing vessels/boats” ng intercept course patungo sa Philippine Navy warship.
Nitong Feb. 1, nagbago ng direksyon ang BRP Andres Bonifacio sa kanluran sa paglapit ng China maritime militia vessels na halos walong kilometro, ayon kay security innovator Ray Powell.
Pasok ang Mischief Reef sa 200 nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas.
Inihayag ni Balilo na nagsasagawa ang BRP Andres Bonifacio ng patrol at search mission.
Bagama’t nagmanman ang Chinese vessels, hindi ito nakialam sa operasyon at misyon ng BRP Andres Bonifacio. RNT/SA
Ika-124 anibersaryo ng PH-American war, ginunita

February 4, 2023 @4:24 PM
Views: 12
MANILA, Philippines- Pinangunahan ng mga opisyal ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang paggunita, araw ng Sabado sa ika-124 taong anibersaryo ng Philippine-American War.
Isang simpleng seremonya ang idinaos sa panulukan ng Sociego at Silencio Streets sa Sampaloc, Maynila para sa nasabing okasyon.
“The site is where the US’ 1st Nebraska Infantry Regiment first fired shots at Filipino forces on Feb. 4, 1899,” ayon sa NHCP.
“Despite Emilio Aguinaldo’s surrender to the American forces in 1901, Filipinos nationwide continued to fight for independence and staged resistance movements even as they lacked armaments. The war lasted until 15 June 1913 with Muslim resistance at the Battle of Bud Bagsak in Sulu,” dagdag na wika nito.
Ang naturang seremonya ay dinaluhan nina Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto na nag-alay ng korona
sa lugar kasama si Captain Jonathan Salvilla ng Philippine Navy.
Ang ibang nag-alay ng bulaklak ay sina NHCP Officer-in-Charge Executive Director Carminda Arevalo, ACT Teachers party-list Representative France Castro, at Barangay Chairman Danilo Tibay ng Barangay 586, Zone 57.
Sa kabilang dako, nakiisa naman si ACT Teachers-Philippines president Antonio Tinio, kamag-anak ni General Manuel Tinio, pinakabatang Filipino general na nakipaglaban sa Philippine-American War, sa pag-aalay ng korona.
Samantala, isang online exhibit na may titulong “Mga Himpilan at Kabisera ng Pamahalaan mula 1898 hanggang 1901” ang inilunsad ng NHCP Museo ni Apolinario Mabini sa Tanauan City, Batangas.
“The exhibit will feature the different capitals and seals of the Philippine government and the factors that led to the change of capitals from 1898 to 1901,” ayon sa NHCP.
Matatandaang, tinintahan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11304 noong 2019, pagtatanda sa Pebrero 4 bilang special working holiday na tinawag na Philippine-American War Memorial Day “in commemoration of the sacrifice and bravery of the men and women who fought and died in defense of the Filipino nation during the Philippine-American war.” Kris Jose
Inflation tututukan ng PH central bank sa sunod na policy meeting – Medalla

February 4, 2023 @4:12 PM
Views: 10
MANILA, Philippines- Tututukan ng Philippine central bank ang inflation sa halip na ang pinakabagong policy action ng Federal Reserve sa pulong nito sa Feb. 16 para suriin ang key interest rates,ayon sa pinuno nito ngayong Sabado.
“Next meeting will focus on inflationary expectations in PH, not the Fed’s 25 bps rate increase,” pahayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.
Inaasahang papalo ang Philippine inflation sa range na 7.5% hanggang 8.3% sa January, ayon sa central bank nitong Martes, kasunod ng 8.1% rate noong December, na itinuturing na 14-year high. Ipalalabas ng statistics agency ang inflation data sa Feb. 7. RNT/SA
13 patay sa wildfire sa Chile

February 4, 2023 @4:00 PM
Views: 22
SANTIAGO- Tinupok ng wildfires sa Chile 13 buhay at 14,000 ektarya (35,000 acres), ayon sa mga awtoridad nitong Biyernes, sa pag-iral ng summer heatwave sa bansa sa southern hemisphere.
Namatay ang 11 indibidwal, kabilang ang isang bumbero sa bayan ng Santa Juana sa Biobio, isang rehiyon na 310 milya (500 km) timog ng kapital na Santiago, ayon sa local authorities.
Naiulat din ng Minister of Agriculture ang pagbagsak ng emergency-support helicopter sa southern region ng La Araucania had crashed, na sanhi ng pagkamatay ng isang piloto at isang mekaniko.
Nagdeklara na ng states of catastrophe sa farming at forest areas ng Biobio at mga katabi nitong Nuble,.
Napinsala ang daang mga tahanan habang 39 sunog ang naitala sa bansa, ayon kay nterior Minister Carolina Toha.
“The conditions in the coming days are going to be risky,” pahayag ni Toha.
Sinabi niya na available ang ground equipment at tumutulong ang fleet ng 63 planes sa pag-apula sa apoy, at inaasahang magiging katuwang ang Brazil at Argentina.
Nagtungo si President Gabriel Boric nitong Biyernes sa Nuble at Biobio, na may pinagsamang populasyon na halos dalawang milyong katao.
“My role as president today is to ensure that all resources will be available for the emergency and so that people feel that they are not going to be alone,” ani Boric mula sa Biobio.
Binanggit din niya ang mga senyales na maaaring sinadya ang pagkalat ng sunog.
Lumikas ang ilang pamilya sa shelters, ayon sa Chilean disaster agency Senapred.
Batay sa weather forecasts nitong Biyernes, aabot sa 100 degrees Fahrenheit (38 Celsius) ang temperatura sa Chillan, kapital ng Nuble na sinabayan pa ng malakas na hangin na lalong nagpalala sa fire conditions. RNT/SA
Guanzon nabahala sa ‘cronies’

February 4, 2023 @3:48 PM
Views: 22