Bong Go, nagbigay ng tulong sa senior citizens sa Quezon City

Bong Go, nagbigay ng tulong sa senior citizens sa Quezon City

February 16, 2022 @ 4:46 PM 4 months ago


MANILA, Philippiens – Nagsagawa ng relief operation ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go para sa 201 miyembro ng Tatalon Senior Citizens Association (TACSA) sa Quezon City kamakailan.

Sa isang video message sa mga benepisyaryo, hinimok sila ni Go na makibahagi sa national vaccination program lalo’t mas prone sila sa COVID-19.  Pinaalalahanan din niya ang mga ito na maging mas maingat at patuloy na sundin ang ipinag-uutos na mga protocol sa kalusugan laban sa virus.

Bilang bahagi ng kanyang apela na palakasin ang mga pagsisikap sa bakuna partikular na sa mga hindi pa nabakunahan na senior citizen, hinimok ng senadora ang gobyerno na patuloy na paigtingin ang mga pagsisikap na mabakunahan ang mga senior citizen na nahihirapang lumabas ng kanilang mga tahanan.

“Ang panawagan ko po sa mga LGUs na suyurin po.  Kasi ‘yung mga senior citizens hindi natin nakakalabas, takot pong lumabas, takot mag-travel po papunta sa vaccination center,” sabi ni Go.

“Kailangan namin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang disiplina at kooperasyon ng bawat Pilipino.  Patuloy tayong sumunod sa mga patakaran at magsuot ng mask, mag-social distancing, at maghugas ng kamay.  Kung hindi kailangan o may nararamdaman kayong mga sintomas, ‘wag kayong umalis ng inyong pamamahay,” apela niya.

Namigay ng mask at pagkain ang mga tauhan ng senador sa mga senior citizen sa Diosdado Macapagal Elementary School sa Barangay Tatalon.

Nakatanggap din ang mga piling indibidwal ng mga bagong pares ng sapatos at bisikleta habang ang iba ay nabigyan ng mga computer tablet.

Ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development ay nagbigay din ng pinansiyal na suporta sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program nito bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na sugpuin ang epekto ng pandemya.

Upang higit na matiyak ang kanilang kagalingan, nag-alok si Go ng karagdagang tulong sa mga matatandang nangangailangan ng medikal na atensyon at hinikayat silang bisitahin ang alinman sa 11 Malasakit Centers sa lungsod o alinman sa 149 na sentro sa buong bansa.

Nagpapasalamat si Go sa lahat ng lokal na opisyal sa kanilang dedikasyon at determinasyon sa pagsugpo sa pagkalat ng COVID-19 habang patuloy na naglilingkod sa kanilang mga nasasakupan.

“Magbayanihan tayo at ‘wag kayong mag-alala dahil hindi kayo pababayaan ng gobyerno at pagkatapos ay hindi kayo pababayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.  Kinakalailangan lang namin ang inyong kooperasyon para malampasan natin ang pagsubok na ito.  Makababangon din tayo muli bilang nagkakaisa at mas matatag na bansa,” anang mambabatas.