Bong Go, pinuri si PRRD sa pagpapalakas sa karera ng mga guro

Bong Go, pinuri si PRRD sa pagpapalakas sa karera ng mga guro

June 27, 2022 @ 3:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpalalabas ng executive order na lalo pang magpapalakas sa karera ng mga guro sa pampublikong paaralan sa pamamagitan ng pag-eestablisa ng mga bagong titulo ng posisyon na may kaakibat na salary grades.

Ang EO 174, na mas magpapalawak ng sistema ng pag-unlad sa karera ng public school teachers ay layong isulong ang professional development and career advancements ng mga titser sa loob ng public school system.

“Habang kinakaharap ng bansa ang pandemya ng COVID-19 at ang sistema ng edukasyon ay umaayon sa bagong normal, ang mahalagang responsibilidad ng ating mga guro sa paggarantiya sa patuloy na paghahatid ng pag-aaral ay naging mas mahirap,” sabi ni Go.

ā€œNararapat lamang po na maglatag tayo ng mga polisiya na layong suportahan ang kanilang propesyon na magbibigay sa kanila ng oportunidad upang matulungan ang kanilang papel bilang tagahubog ng kaisipan ng ating mga kabataan,ā€ dagdag ng senador.

Sinabi ng senador na makatutulong ang EO sa mga guro na patuloy na mabigyan ng mataas na kalidad na edukasyon ang mga estudyante.

Ang Department of Budget ay inaatasan na lumikha ng karagdagang position titles ng Teacher 4, 5, 6 at 7, gayundin ang Master Teacher 5. Gayundin, ang School Principal 1, 2, 3 at 4 ay idinaragdag sa career line of school administrators.

Ang Civil Service Commission minimal requirements and qualifications ay dapat maabot upang makaabanse sa mga puwestong Master Teacher I at School Principal I.

Ikinagalak ng Department of education ang napapanahong pagpalalabas ng nasabing EO.Ā  Noong Marso, hinangad ng DepEd na magkaroon ng mga bagong antas ng pagtuturo upang palawakin ang pagkakataong pang-promosyon para sa mga guro.

Sinabi ng DepEd na ilang guro ang natigil sa Teacher III level dahil ang posisyon ng Master Teacher I ay nangangailangan ng mataas na requirements.

Matagal nang isinusulong ang kapakanan ng mga guro sa bansa, naauna nang hinimok ni Go ang pambansang pamahalaan na magbigay ng karagdagang suporta para sa public school teachers dahil sa hirap na kanilang kinakaharap sa pandemya na dulot ng COVID-19.

Binanggit niya ang paghihirap na nararanasan ng mga guro sa blended learning approach na ipinatutupad habang limitado ang face-to-face classes.

ā€œPatuloy tayong maghahanap ng paraan na mabigyan ng suporta ang ating educational sector upang hindi matigil ang pag-aaral ng ating mga kabataang Pilipino,ā€ sabi ni Go.

ā€œKung gusto nating umunlad, dapat bigyan natin ng malaking importansya ang kapakanan ng mga guro para maisaayos ang pag-aaral ng ating kabataan, lalo na sa literacy at numeracy,ā€ anang mambabatas.Ā RNT