Bong Go sa Pilipino: Malasakit Centers lapitan, gamitin
January 12, 2023 @ 3:00 PM
3 weeks ago
Views: 91
Shyr Abarentos2023-01-12T14:46:55+08:00
MANILA, Philippines- Ipinaalala ni Senate committee on health and demography chair, Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na unahin ang kanilang kalusugan at hinimok niya silang gamitin ang serbisyo ng alinman sa 153 Malasakit Centers na nakakalat sa buong bansa.
Ayon kay Go, higit sa pitong milyong Pilipino na sa ngayon ang naserbisyuhan o natulungan ng Malasakit Centers.
“Lapitan n’yo lang po ang Malasakit Center. Handang tumulong po ‘yan sa ating mga kapwa Pilipino,” ani Go.
“Basta Pilipino ka, poor and indigent patient ka, qualified ka sa Malasakit Center. Lapitan n’yo lang po ang Malasakit Center diyan po sa inyong lugar at tutulungan po kayo na mabayaran ang inyong billing,” idinagdag niya.
Ayon sa DOH, mula nang itatag ito noong 2018, ginawang mas accessible ng Malasakit Centers sa mga mahihirap na Pilipino ang tulong medikal mula sa gobyerno.
Partikular na rito ang Medical Assistance for Indigent Patients Program ng DOH na maaaring ma-avail sa alinmang Malasakit Centers. Ang programa na may kabuuang budget na P50.8 bilyon ay nakatulong na sa 7,481,333 pasyenteng mahihirap.
Noong 2022 lamang, mahigit 1.4 milyong pasyenteng benepisyaryo ang nakatanggap ng P14.6 bilyong halaga ng tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng Malasakit Centers program.
Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop kung saan ang mga mahihirap na pasyente ay madaling makakuha ng tulong medikal mula sa Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ayon sa DOH, ito ay ginagawa upang palawigin ang saklaw ng mga tulong tulad ng mga benepisyo sa outpatient na gamot. Binanggit din nito na ang PhilHealth, ang health insurer na pinamamahalaan ng gobyerno ng bansa, ay pinagbubuti ang kanilang mga plano sa pagpopondo upang maprotektahan ang mga pasyente mula sa pagbabayad ng out-of-pocket expenses.
“Natutuwa po ako sa bagong report ng DOH kung saan nailapit ng Malasakit Center ang mga programa ng gobyerno na medical assistance sa mga mahihirap na pasyente sa iba’t ibang sulok ng bansa,” sabi ni Go.
“Bilang isang lingkod-bayan, wala nang higit na kasiya-siya kaysa malaman na ang ating mga inisyatiba ay talagang nakatutulong sa ating mamamayang Pilipino. Kaya naman lalo akong natutuwa sa kamakailang ulat ng DOH na nagsasaad na mahigit pitong milyong Pilipino ang nakinabang sa buong bansa, mula Batanes hanggang Tawi-Tawi,” dagdag niya.
Inilarawan ni Go kung paano niya nabuo ang ideya para sa Malasakit Center upang mabigyan ng madaling access ang mga naghihirap sa pangangalagang medikal.
“Ang mga residente mula sa mga karatig probinsya ay pumupunta sa Davao City Hall para sa tulong medikal. Gayunpaman, ang pondo ng Davao City ay hindi magagamit para tulungan ang mga residente mula sa mga karatig probinsya,” pagkukuwento ni Go.
“Ngunit si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na siyang mayor ng Davao City noon, ay hindi nakayanan na talikuran ang mga kapwa Pilipino na humihingi ng tulong sa ating lalawigan. Ang mga pakikipag-ugnayan na ito ay nagbigay inspirasyon sa akin na isipin ang one-stop shop para sa lahat ng tulong na may kinalaman sa medikal para sa ating kapwa Pilipino,” dagdag niya.
Nagsimula ang Malasakit Center bilang convergence initiative ng Office of the President noong 2018 sa pakikipag-ugnayan sa Office of the Presidential Assistant to the Visayas. Ang unang center ay itinatag sa Cebu City sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.
Ang Republic Act 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019, na isinulat at itinaguyod ni Go, ay tuluyang nilagdaan ni dating Pangulong Duterte bilang batas noong Disyembre 2019. Ipinag-uutos nito ang pagtatatag ng mga ccenter sa bawat ospital na pinatatakbo ng DOH sa buong bansa at sa Philippine General Hospital sa Maynila.
Mayroon na ngayong 153 Malasakit Centers sa buong bansa. Bawat rehiyon ay may kanya-kanyang Malasakit Centers, kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
“Hindi niyo na kailangan pumila o umikot pa sa iba’t ibang opisina para humingi ng tulong pampagamot. Nasa isang kwarto sa loob ng ospital na po. Pera n’yo yan, ibinabalik lang sa inyo sa pamamagitan ng mabilis at maaasahang serbisyo,” ayon kay Go. RNT
January 31, 2023 @7:56 PM
Views: 41
MANILA, Philippines – Naniniwala si Senador Bong Go na maganda ang magiging insentibo ng pag-apruba sa vat refund program para sa mga foreign tourists.
Sa panayam sa senador sa kanyang pagbisita sa mga nasunugang residente ng Arlequi St., sa Quiapo, Maynila upang magpaabot ng tulong, sinabi nito na maaaring pareho ang intensyon nito sa ibang bansa na mayroong tax rebate.
Ayon sa senador, pag-aaralan pang mabuti at kung maganda ang intensyon upang mahikayat ang mga turista dito sa bansa na bumili at maibenta ang sariling atin.
Dapat aniyang siguraduhin na kumita at matulungan ang mga local manufacturers at local businessman kung sakaling nagpatupad ng tax vat rebate sa mga turista.
Ang vat refund program ay inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga dayuhang turista.
Simula sa 2024 ang mga dayuhang bibisita sa bansa ay pagkakalooban ng VAT refund sa mga binili nitong produkto. Jocelyn Tabangcura-Domenden
January 31, 2023 @7:43 PM
Views: 45
RAMON, ISABELA-Patay ang isang dating security guard matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa boundary road ng Bugallon Norte at Nagbacalan Ramon, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Rodel Sortido, 34 anyos, at residente ng Inanama, Alicia, Isabela.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Ramon Police Station, sa ilang mga nakakita sa krimen habang pauwi ang biktima sa kanyang bahay lulan ang bisekleta nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng maraming beses ng mga nakasakay sa Toyota Hilux pick-up.
Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang pick-up patungong bayan ng Alicia.
Bumulagta sa kalsada ang duguang ulo at katawan ng biktima na sanhi ng agaran nitong pagkamatay.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng hot pursuit operation at imbestigasyon ang mga kasapi ng Ramon Police Station sa pamumuno ni PMaj. Christopher Danao para matukoy ang salarin at motibo sa pamamaslang.
Samantala, dinala na sa isang punerarya ang bangkay ng biktima para isailalim sa post-mortem examination. Rey Velasco
January 31, 2023 @7:30 PM
Views: 50
MANILA, Philippines – Kinilala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanilang pagsisikap na mapalaya ang higit 103,000 Persons Deprived of Liberty (PDL) nitong taong 2022 bilang bahagi ng kanilang patuloy na hakbangin sa decongestion ng mga kulungan.
“Saludo ako sa BJMP sa kanilang decongestion efforts. Matagal ng problema ang kasikipan ng mga kulungan at nararapat lamang na tuloy-tuloy ang ating pagsusumikap na tugunan ito,” ani Abalos.
“I know for sure that BJMP will not stop here. Alam kong patuloy nilang pangungunahan ang pagpapabuti ng kalagayan ng ating mga kababayang PDL,” dagdag niya.
Ayon kay Abalos, ikinagagalak niya ang paglaya ng 77,960 PDLs noong 2022 sa pamamagitan ng paralegal services at ang paglaya ng 25,333 PDLs sa pamamagitan ng ibang paralegal modes.
Dagdag din ng kalihim, ayon sa datos ng BJMP, may 6,288 PDLs o 10% sa kabuuang 130,138 na average monthly jail population ang lumalaya sa kanilang jail facilities kada buwan.
Aniya, nagpapasalamat siya sa BJMP sa kanilang programang palayain ang mga kwalipikadong PDLs at sa pagpapanatili nito ng “zero overstaying PDLs” sa kanilang 478 jail facilities sa buong bansa.
Mula sa huling datos, mayroong 367% congestion rate ang BJMP o 126,820 PDLs sa buong bansa.
“BJMP is utilizing all legal means to decongest our jails, and we are grateful that President Marcos is supporting these efforts,” pahayag ni BJMP Chief, Jail Director Allan Iral.
Matatandang inutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na pagpapalaya sa mga PDLs na kwalipikado para sa parole. Jan Sinocruz
January 31, 2023 @7:17 PM
Views: 46
MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) na asahan na ang maalinsangan na panahon sa susunod na mga araw dahil sa pagtatapos ng hanging Amihan.
Ayon sa Pagasa Weather Bureau, posibleng hanggang ngayong linggo na lamang maranasan ang malamig na temperatura dahil sa pag-iral ng mainit na panahon.
Sinabi pa ng ahensya na posibleng mawala na ang makakapal na ulap sa mga susunod na araw na nagdudulot ngayon ng mga pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa.
Samantala kaugnay nito ngayong linggong, makakaranas pa rin ang mga lalawigan ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Bicol Region, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan.
Bunga nito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging alerto dahil maaaring magdulot ito ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. Santi Celario
January 31, 2023 @7:04 PM
Views: 46
MANILA, Philippines – Hinimok ang mga magsasaka ng palay sa Antique na isaprayoridad ang pagtatanim ng
high-value crops (HVC) katulad ng sibuyas at bawang upang maiwasan ang shortage at makatulong sa pagbabalik-normal ng presyo nito.
Ito ang ipinasang resolusyon ni Board Member Rony Molina kasabay ng provincial council session nitong Lunes, Enero 30 kasunod ng “wide disturbing news of overwhelming price increase in the market of two of the HVC, namely onion and garlic.”
“As observed during the past years, the prices of these crops are stable, until of late that there was a shortage for reason of lack of cold storage facilities, and may be because of hoarding by some traders taking advantage of the abnormal situation such that the government has no recourse but to resort to importation to remedy and meet the demands in the market,” saad ni Molina sa kanyang resolusyon.
Aniya, makabubuti ang pagtatanim ng HVC para solusyunan ang importation na lubhang nakaaapekto sa mga magsasaka.
Dagdag pa niya, dapat umanong turuan ng planting technology ng
Department of Agriculture (DA) at Office of the Provincial Agriculturist ang mga magsasaka.
“Most farmers are into planting rice rather than the HVC in Antique because they do not know the technology,” giit ni Molina. RNT/JGC