Bong Go: Teaching supplies allowance ng guro, dagdagan
February 25, 2023 @ 1:34 PM
3 weeks ago
Views: 177
Shyr Abarentos2023-02-25T13:18:45+08:00
MANILA, Philippines- Sinusugan ni Senator Christopher “Bong” Go ang Senate Bill No. 94 o ang Teaching Supplies Allowance Act of 2022 na naglalayong dagdagan ang taunang “chalk allowance” ng mga guro upang maibsan ang kanilang pinansiyal na pasanin sa pagbili ng mga gamit sa paaralan para sa kanilang mga klase.
Ang panukala ay pangunahing iniakda ni Senador Sonny Angara.
Ayon kay Go, maraming guro ang kailangang magtiis sa pag-shoulder ng gastusin sa mga pangangailangan ng mga estudyante at kung minsan ay napipilitang gumastos mula sa sariling bulsa para magkaroon ng mga gamit sa kanilang klase.
“Kung tutuusin, ang mga guro ay dapat bigyan ng sapat na serbisyo at konsiderasyon dahil sa pagtuturo sa ating mga kabataan. Sila ay nagbibigay ng kanilang oras, kaalaman, at dedikasyon upang masiguro na ang mga bata ay may magandang kinabukasan,” ani Go.
Upang matugunan ang isyung ito, binibigyan ng gobyerno ang mga guro ng taunang allowance para sa mga gamit sa silid-aralan na kilala bilang “chalk allowance.”
Gayunpaman, habang lumilipas ang panahon, ipinunto ni Go na hindi pa rin ito sapat upang mabayaran ang mga gastos sa mga gamit sa silid-aralan.
Bilang tugon dito, ang panukalang Teaching Supplies Allowance Act of 2022 ay naglalayong itaas ang taunang “chalk allowance” mula P3,500 hanggang P5,000 bawat guro kada school year.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang cash allowance sa mga guro para sa pagbili ng mga chalk, pambura, form, at iba pang gamit o materyales sa silid-aralan gaya ng itinatadhana ng annual appropriations para sa Kagawaran ng Edukasyon ay tatawaging Teaching Supplies Allowance.
Iminumungkahi rin ng panukala na atasan ang Kalihim ng Edukasyon na magsagawa ng pagrepaso sa Teaching Supplies Allowance, base sa kasalukuyang mga presyo ng mga kagamitan sa silid-aralan. Ang kalihim ay magrerekomenda ng pagtaas sa halaga ng allowance at halagang kinakailangan para maisama sa panukalang badyet ng departamento sa susunod na fiscal year.
Sinabi ni Go na ang panukala ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagkilala sa pagsusumikap at dedikasyon ng mga guro sa pampublikong paaralan sa Pilipinas.
“Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pondo para sa mga gamit sa silid-aralan, masisiguro ng gobyerno na ang mga guro ay makakatuon sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa kanilang mga estudyante nang hindi nababahala tungkol sa kanilang pinansiyal na pasanin,” aniya.
Nauna nang iginiit ni Go na dapat manatiling prayoridad ang edukasyon sa bansa. Nangako siyang susuportahan ang mga patakarang magpapalakas sa sektor ng edukasyon habang pinangangalagaan din ang kalusugan at kagalingan ng mga mag-aaral at guro.
Nauna rito, naghain siya ng SBN 1190 para palawakin ang layunin at aplikasyon ng Special Education Fund na iminungkahi niyang gamitin sa operasyon ng mga pampublikong paaralan, pagbabayad ng suweldo, allowance at iba pang benepisyo ng teaching at non-teaching personnels, pagpapatakbo ng Alternative Learning System, kabilang ang pagbabayad ng suweldo, allowance at iba pang benepisyo ng mga facilitator ng ALS, pang-edukasyon na pananaliksik, kagamitang panturo at iba pa. RNT
March 21, 2023 @4:35 PM
Views: 9
USA – Pipresyuhan ng Moderna Inc ang COVID-19 vaccine nito sa humigit-kumulang $130 bawat dosis sa US, ayon sa presidente ng kompanya na si Stephen Hoge.
“There are different customers negotiating different prices right now, which is why it’s a little bit complicated,” ani Hoge sa isang Congressional hearing.
Nauna nang sinabi ng Moderna na isinasaalang-alang nito ang pagpepresyo ng bakuna sa COVID nito sa hanay na $110 hanggang $130 bawat dosis sa United States, katulad ng hanay na sinabi ng Pfizer Inc noong Oktubre na isinasaalang-alang nito ang mga karibal nitong COVID shot na ibinebenta sa pakikipagsosyo sa BioNTech.
Itatakda naman ng kompanya ang bayad ng COVID vaccine para sa mga senior citizen sa $70 bawat dosis.
Sinabi ng Biden Administration na magtatapos na ang public emergency sa Mayo, bunsod nito inililipat na sa pribadong kompanya ang pagbili sa mga bakuna. RNT
March 21, 2023 @4:22 PM
Views: 11
Mahigit 50 distressed overseas Filipino workers (OFWs) ang pinauwi ng gobyerno ng Pilipinas mula Kuwait at nakatakdang dumating sa bansa sa lalong madaling panahon.
Ang 54 na Filipino ay nanatili sa Migrant Workers and Other Overseas Filipinos Resource Center bago pinauwi bilang bahagi ng repatriation program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Migrant Workers Office at ng Philippine Embassy sa Kuwait.
Ayon sa ulat, nakatakdang tanggapin ng OWWA repatriation team ang mga distressed OFW at tulungan sila sa immigration documentation at customs formalities sa airport.
Naka-stand by ang mga medical team para tulungan ang mga OFW na humihingi ng tulong medikal.
Ang OWWA naman ay tutulong sa mga repatriate na makauwi sa kanilang mga probinsya at magbibigay ng tulong pinansyal. RNT
March 21, 2023 @4:09 PM
Views: 32
MANILA, Philippines – Sinibak na sa serbisyo ang pulis na naaresto sa isang drug buy-bust operation na nagresulta sa isa sa pinakamalaking buy-bust sa kasaysayan ng bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Martes.
Sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na wala na sa serbisyo si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr.
Noong Oktubre 2022, inaresto si Mayo nang nakumpiska ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 990 kilo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na mahigit P6.7 bilyon kasunod ng serye ng mga operasyon laban sa droga sa Maynila.
Si Mayo ay isang intelligence officer para sa PNP Drug Enforcement Group, batay sa mga rekord ng pulisya.
Sinabi ng PNP Drug Enforcement Group na isinagawa ang unang operasyon sa kahabaan ng Jose Abad Santos Street sa Barangay 252, Tondo, Maynila, na humantong sa pagkakaaresto sa 50-anyos na suspek na si Ney Saligumba Atadero.
Sa interogasyon, sinabi ni Atadero na ang imbakan ng iligal na droga ay nasa loob ng opisina ng isang lending firm sa Sta. Cruz, Maynila.
Isa pang operasyon ang isinagawa upang mahuli ang isa pang indibidwal na pinangalanan ng suspek. Naaresto si Mayo sa Quiapo sa operasyon. RNT
March 21, 2023 @4:06 PM
Views: 13
CLAIREFONTAINE-EN-YVELINES, France – Pinalitan ni Kylian Mbappe ang retiradong si Hugo Lloris bilang kapitan ng France, ayon sa source.
Tinanggap ng forward ng Paris Saint-Germain na si Mbappe, 24, ang panukala pagkatapos ng mga meeting kay coach Didier Deschamps.
Nagtapos ang goalkeeper ng Tottenham na si Lloris sa kanyang pang-internasyonal na karera noong Enero pagkatapos na matalo sa final ng World Cup isang buwan bago nito.
Si Lloris, 36, ay skipper nang mahigit isang dekada.
Ang attacker ng Atletico Madrid na si Antoine Griezmann ay hinirang na vice-captain matapos ibinitin din ng center-back ng Manchester United na si Raphael Varane ang kanyang bota kasunod ng pagkatalo sa Argentina noong Disyembre.
Si Mbappe, na naglaro ng 66 na beses para sa kanyang bansa, ay na-link nang husto sa papel sa loob ng ilang linggo at umiskor ng hat-trick sa final loss sa World Cup matapos tulungan ang Les Bleus sa titulo noong 2018.
Dating vice captain sa PSG ang dating Monaco attacker sa likod ni Marquinhos ng Brazil at pinamunuan ang panig sa kawalan ng defender sa panahon ng pagkatalo noong Linggo kay Rennes.
Ang kanyang unang laro bilang kapitan ay ang Euro 2024 qualifier sa Biyernes laban sa Netherlands sa Stade de France.RCN
March 21, 2023 @3:56 PM
Views: 22
MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Department of Education (DepEd) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa Congress proceedings na may kaugnayan sa prohibisyon o panukalang nagbabawal sa “no permit, no exam” policy sa lahat ng public at private educational institutions.
“Let us wait for the discussions doon sa Congress with regards doon sa mga batas,” ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa isang ambush interview nang hingan ng komento ukol sa third at final reading approval ng Senate Bill 1359 na nagbabawal sa mga eskuwelahan mula sa hakbang na huwag payagan ang mga estudyante na kumuha ng pagsusulit dahil hindi pa bayad ang kanilang tuition at iba pang bayarin.
“The Department of Education fully commits to participate sa lahat ng mga patawag at mga hearings na ginagawa ng Congress,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, plano naman ng DepEd na mag-hire ng mas maraming bagong guro taun-taon upang matugunan ang kakulangan sa teaching personnel.
“The plan is…meron talagang i-hire every year, as well as the other track we are pursuing, kasi hindi naman natin ma-hire lahat ng pangangailangan natin, is to amplify the best teachers that we have [using technology],” ayon kay Duterte.
Nauna rito, inamin naman ni DepEd spokesperson Atty. Michael Po na kabilang sa mga hamon na kanilang kinhaharap sa kasalukuyang academic year ay ang kakapusan sa guro, bukod pa sa kakulangan sa school infrastructure at furniture.
Kaya nga aniya para sa School Year 2023-2024, plano ng DepEd na mag-hire ng 10,000 na mga guro.
Taong 2022, nagawa ng DepEd na tumanggap ng kabuuang 11,580 na mga guro.
Sinabi pa ni Duterte na handa ang DepEd na makipagtulungan sa ibang local government units (LGU) para mag-alok ng housing projects sa mga guro.
Aniya, ang papel ng mga guro sa inisyatibang ito ay magbigay ng listahan ng mga kuwalipikadong teacher beneficiaries sa LGUs.
Sa ulat, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang nagbabawal sa “no permit, no exam” policy at ang pagsuspinde sa pagbabayad ng student loan sa tuwing may kalamidad at national emergencies.
Pumabor lahat ang 22 senador na present sa plenary session bilang pagsuporta sa Senate Bill Nos. (SBNs) 1359 (‘No Permit, No Exam’ Prohibition Act), at 1864 (Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act).
Layunin ng SBN 1359 na ipagbawal ang ‘No Permit, No Exam’ na tutol sa mga estudyante na kumuha ng exam dahil sa hindi nabayarang obligasyon kabilang na ang tuition at iba pang school fees sa publiko at pribadong eskuwelahan.
Sa kabilang dako, nakiisa naman si Duterte sa groundbreaking ceremony ng 12-storey residential building project para sa mga Quezon City school teachers.