Bong Go tiwala sa DMW sa pagtutok sa mga OFW

Bong Go tiwala sa DMW sa pagtutok sa mga OFW

January 31, 2023 @ 4:41 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tiwala si Senator Bong Go sa executive department at sa Department of Migrant Workers (DMW) para tumutok sa mga overseas Filipino workers.

Sa kanyang pagbisita at pagbibigay ng assistance nitong Martes ng umaga, Enero 31 sa mga residenteng nasunugan sa Arlegui, Quiapo, Maynila noong Disyembre 29, sinabi ng Senador na sila ang susuri at magrerekomenda kung dapat bang magkaroon ng deployment ban sa Kuwait kasunod nang nangyaring pagpatay sa domestic worker na si Jullebee Ranara.

“Sa ngayon po dapat pag-aralang mabuti at tignan ang pros and cons dahil ayaw naman po natin na maapektuhan ang mga kababayan natin na OFWs na due for deployment or nandodoon na po sa ibang bansa.”

Importante rin aniya na repasuhin at pag-aralang mabuti ang kasunduan at hustisya para kay Jullebee.

Ayon kay Go, nagpaabot na siya ng pakikiramay at tulong pinansyal maging si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagpaabot na rin ng pakikiramay at inalok o inimbitahan ang pamilya ni Ranara na bumisita sa Davao. Jocelyn Tabangcura-Domenden