BONG GO, TODO-SUPORTA SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

BONG GO, TODO-SUPORTA SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

February 8, 2022 @ 10:35 PM 8 months ago


IKINATUWA ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 1924, o ang Rural Agricultural and Fishe­ries Financing Enhancement Act na malaking tulong sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa bansa.

Bilang co-author ng panukalang batas, lubos ang pagmamalasakit ni Senador Go sa mga mag­sasaka’t mangingisda gayong tunay na mahalaga ang sektor ng agrikultura para sa food security at ekonomiya ng Pilipinas.

Hindi maikakailang malaki ang ginagampanang papel ng agrikultura sa pagsisigurado na may sapat na mapagkukunan ng pagkain ang bawat pamilyang Pilipino saanmang parte ng bansa kaya nararapat lang na bigyang tugon ng pamahalaan ang mga sulira­ning kinahaharap ng sektor ng agrikultura.

Napapanahon na nga ang pagsasabatas ng SB No. 1924 upang mas matulungan ang ating nga kababayang nasa sektor ng agrikultura pagdating sa pagpapahiram sa kanila ng puhunang ma­ka­pagpapalago ng kanilang iki­nabubuhay na kalauna’y pina­kiki­nabangan din nating lahat.

Bukod sa panukalang batas na ito ay itinutulak din ni Sen. Go ang pagpapabuti ng irigasyon sa mga sakahan at ang  pagpapalawig ng National Rice Program, Rice Competitiveness Enhancement Fund, at iba pang programa.

Talagang malapit sa puso ni Sen. Go ang sektor ng agrikultura na pati ang pangangailangan sa pag-invest sa sapat sa storage fa­cility para sa mga farm products ay binibigyang diin nito.

Maiiwasan nga naman ang pag-aaksaya ng mga produktong agrikultura kung maisasakatuparan ito.

Iba’t ibang sektor ang binibigyang pansin ni Sen. Go na tila ba lahat ay pinipilit niyang tugunan at bigyang solusyon.

Kakaibang malasakit talaga ang taglay ng butihing senador na tunay na pinakikinabangan nga­yon ng sambayanang Pilipino.