BONG GO TODO-TULONG SA EDUKASYON

BONG GO TODO-TULONG SA EDUKASYON

January 26, 2022 @ 9:00 AM 8 months ago


TINIYAK ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa pagpapalakas ng sektor ng edukasyon sa bansa kabilang na ang tulong para sa mga guro at estudyante sa panahon ng pandemya.

Sa Republic Act No. 11635 na naipasa kamakailan kung saan co-author at co-sponsor si Sen. Go, ibinaba sa 1% ang tax rate ng proprietary educational institution para sa kanilang taxable income hanggang June 2023.

Malaking tulong ito sa mga pribadong paaralan gayong isa rin sila sa mga pinakatinamaan ng matinding epekto ng pandemya.

Bukod sa bumabang enrollment rate sa pribadong paaralan ay nagdulot pa ng karagdagang gastos sa kanila ang pagbili ng mga kagamitan kaugnay ng implementasyon ng online classes.

Tunay na malapit sa puso ni Sen. Go ang sektor ng edukasyon patunay na ang ilan pang aprubado at panukalang batas na sinuportahan at inihain nito sa Senado na makatutulong upang mas mapalakas ang sektor ng edukasyon sa bansa.

Kabilang na rito ang RA 11510 o mas kilala bilang Alternative Learning System Act of 2021 kung saan co-author ang butihing senador, Senate Bill No. 396 para sa pagpapalawak ng layunin at aplikasyon ng Special Education Fund at ang SBN 1907 o ang tinaguriang ‘Act of Instituting Services and Programs for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education’ noong 2020.

Si Sen. Go rin ang author at co-sponsor ng RA 11466 o ang Salary Standardization Law 5, na nagtaas ng sweldo ng mga sibilyan na empleyado ng pamahalaan kasama ang mga guro sa pampublikong paaralan.

Batid ni Sen. Go ang tunay na halaga ng edukasyon sa higit lalo para sa pagpapabuti ng kalagayan ng sambayanang Pilipino kaya naman todo ang suporta nito para sa ikakaulad pa ng sektor na ito sa Pilipinas.

Hangga’t may magagawa siya ay talagang umaaksyon si Sen. Go dahil talagang bisyo na nito ang magserbisyo sa bayan at bawat Pilipino.