Bong, nagsalita na sa pagtakbo sa higher position!

Bong, nagsalita na sa pagtakbo sa higher position!

September 23, 2022 @ 12:00 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Senator Bong Revilla is saying this with finality: hindi siya tatakbo sa mas mataas na posisyon.

Nagsalita na nga nang patapos ang mambabatas na okey na raw sa kanya ang pagiging senador ng bansa.

Nagbalik-tanaw siya noong kumalat ang balita na nais niyang sungkitin ang VP post.

‘Yun daw ang mga panahong umani siya ng mga bira.

Kuntento na raw siya sa kung saan man siya ngayon dahil nakakatulong naman daw siya.

“Sa kanila na ang posisyon,” tahasang sabi ni Bong.

Inilarawan din niya bilang marumi ang daigdig ng pulitika.

“‘Yan nga ang dahilan kung bakit ako napunta sa Crame, ‘di ba?” aniya na ang tinutukoy niya ay ang pagkakapiit niya along with Senator Jinggoy Estrada sa umano’y pork barrel scam.

Samantala, pangamba ng ilan ay kung mapapangatawanan ba ni Bong ang kanyang deklarasyon na hindi tatakbo sa mas mataas na puwesto.

Paano raw kung may clamor ang mga tao?

Paano rin daw kung iendorso siya ng partidong kinabibilangan?

Paano kung mismong mga kapwa niya mambabatas ang kumumbinsi sa kanya?

Kung hindi raw sa mas mataas na posisyon, posible raw bang bumalik si Bong sa local level tulad ng pagiging gobernador?

Basta, between now and the next elections ay marami pa ang puwedeng mangyari! Ronnie Carrasco III