Bongbong ‘di hihingi ng tawad sa kasalanan na ‘di ginawa

Bongbong ‘di hihingi ng tawad sa kasalanan na ‘di ginawa

October 7, 2021 @ 12:36 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Matibay ang naging paninindigan ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga bumabatikos sa kaniya kaugnay ng mga kaso ng pagpatay at torture sa pamumuno ng kaniyang ama.

Ayon kay Bongbong sa panayam sa kaniya araw ng Huwebes, Oktubre 7 sinabi niya na wala siyang dapat na ihingi ng tawad dahil wala siyang kinalaman sa mga paratang na ito.

“If you can show me that I have committed wrongdoing, that I have hurt somebody else, I will go and apologize to them immediately. But how can you make an apology for a general accusation?” pahayag ni Marcos sa panayam ng CNN Philippines.

“Let us be specific. What are the things you want me to apologize for? I cannot apologize for what other people have done,” dagdag pa niya.

Matatandaan na pormal nang naghain ng kandidatura si Marcos sa pagka-presidente para sa Halalan 2022. RNT


  •  
  •  
  •