Bongbong Marcos bukas pa rin sa pagtakbo sa 2022

Bongbong Marcos bukas pa rin sa pagtakbo sa 2022

August 7, 2021 @ 12:25 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Bukas pa rin sa pagtakbo sa darating na May 2022 election si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa media forum ng National Press Club, sinabi ni BBM nais nitong mapanatili ang kanyang presensya sa national level.

“Wala akong dini-discount, wala akong sinasabing hindi puwede, depende sa sitwasyon.”

Hindi direktang tinukoy ni BBM kung ano ang kanyang tatakbuhin posisyon at simabi na lamang na malalaman na nalang kapag naghain na ito ng Certificate of Candidacy.

Ayon kay BBM marami na rin ang lumalapit, sinsero  at nagpaparamdam sa kanya  na nais sumama sa kanyang partido.

Marami na rin aniyang nagrerekomenda ng mga kombinasyon sa pagiging Presidente o Bise Presidente at kanya naman aniyang ini-entertain at walang hinihindian.

“Ang judgement ko lang diyan sa tinatawag na combination o alliances ay bastat naman nagtutugma ang aming hangarin para sa kabutihan ng Pilipinas ” ayon sa dating senador.

Lahat aniya ng combination ay bukas para sa dating senador at ngayon ay kanilang tinitignan kung ano ang magandang kumbinasyon na maaring makakatulong para sa pag-unlad ng bansa.

Ang dating senador ay kasapi ng KBL o Kilusang Bagong Lipunan na isang Nacionalist Party. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •