Bonifacio Day sinalubong ng protesta ng mga manggagawa
November 30, 2022 @ 1:25 PM
2 months ago
Views: 597
Remate Online2022-11-30T13:22:58+08:00
MANILA, Philippines – Nagkaisa ang puwersa ng United labors upang ipanawagan ang iisang layunin para sa mga manggagawa kasabay ng pagdiriwang ng ika-159th taong Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio ngayong Nobyembre 30.
Maaga pa lamang ay nagtipon-tipon na ang mga militanteng grupo sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila kabilang ang Bayan, Kilusang Magbubukid ng Pilipino, Anakpawis habang naghintay naman sa Manila City Hall ang grupo ng Bukluran, Sanlakas, at iba pang kaalyadong grupo.
Nagmartsa ang nasabing mga grupo patungong Mendiola kung saan sila nagsagawa ng maikling programa.
Bagamat umambon, nagpatuloy pa rin ang sila sa kanilang protesta upang ipaabot ang kanilang hinaing at ipinaglalaban.
Sigaw ng pinagsanib na puwersa ng ibat-ibang sektor ng manggagawa ang mga trabaho, serbisyo at karapatan ng mga manggagawa, pagtaas ng sahod at ang mababang presyo ng bilihin.
Ilan lamang sa mga personalised na nakilahok sa kilos protesta si Leody de Guzman ng Buklurang Manggagawa at Elmer Bong Labug ng KMU.
Sa kanyang maikling talumpati, sinabi ni Labug na hindi makakabuhay ang sahod na natatanggap ng mga manggagawa.
Ang tinatawag aniyang living rates ay libing wage dahil hindi ito nakakaagapay sa tuloy-tuloy na pagtaas ng bilihin at serbisyo.
Isa aniyang matagumpay ang pagkilos ngayong Bonifacio Day dahil nagsama-sama at sanib puwersa ang ibat-ibang grupo para ipaglaban at itaguyod ang karapatan ng bawat mamamayan.
Ayon pa kay Labug, ipinaglaban ni Bonifacio at ng Katipunan ang karapatan ,kalayaan ng bawat mamayang Pilipino
Ganap na alas dose ng tanghali nang matapos ang programa kung saan mayapang nilisan ng mga grupo ang Mendiola.
Umabot sa 1,500 ang crowd estimate o mga manggagawang nakiisa sa nasabing aktibidad.
Samantala, sinabi ni MPD Director PBrig/Gen Adre Dizon na ‘generally peaceful” ang isinagawang protesta ngayong araw.
Aniya, kahit may “no permit ,no rally ‘ na ipinatutupad ay pinagbigyan pa rin nila ang mga militanteng grupo dahil ang layunin lamang ng mga ito ay maiparating sa gobyerno ang kanilang ipinaglalaban. Jocelyn Tabangcura-Domenden
February 2, 2023 @6:38 PM
Views: 5
MANILA, Philippines – Nagtutulong-tulong na ang Tokyo at Manila para ayusin ang pagpapauwi sa apat na Japanese national na sangkot sa serye ng mga pagnanakaw sa Japan.
Ito ay makaraang mahuli ang mga ito sa bansa.
Ayon sa impormasyon nitong Huwebes, Pebrero 2, sinabi na humiling na ang Japanese police ng transfer ng mga suspek mula sa Maynila kung saan sila kasalukuyang nakakulong.
Umaasa naman si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na masosolusyunan na ang naturang isyu bago pa ang planong pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan sa susunod na linggo. RNT/JGC
February 2, 2023 @6:25 PM
Views: 7
MANILA, Philippines – Duda si Senador Francis Escudero na makalulusot sa Senado ang kasalukuyang bersyon ng panukala na bubuo sa Maharlika Investment Fund.
“I doubt it unless the economic managers get their acts together, come up with a common and unified stand,” pagbabahagi ni Escudero sa panayam ng ANC nitong Huwebes, Pebrero 2.
Nitong Miyerkules ay binusisi ng Senate panel ang naturang panukala na magtatatag sa isang sovereign wealth fund.
Nangako naman si Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi niya mamadaliin ang diskusyon para sa MIF, sabay sabing ang kasalukuyang panukala ay nangangailangan pa ng ilang pag-amyenda.
Matatandaan na inendorso ng Kamara ang panukalang batas noong Disyembre ngunit binago pa makaraang makatanggap ng kritisismo mula sa publiko ng pangamba sa korapsyon.
Nauna nang ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagpasa sa panukala, na inihain ng kanyang anak at pinsan.
“What I can guarantee perhaps on my end would be if it will pass whether in April or March or sometime thereafter, it will not be in the shape, size, color or form that it is right now,” ani Escudero.
Sa bersyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund, magkakaroon ito ng dalawang state banks —Landbank at Development Bank of the Philippines— na magbibigay ng inisyal na P75 bilyon na pondo.
Ipinanukala rin sa Senate bill ang paglalagay ng 15-man advisory council at third-party auditor na bubusisi sa paggamit ng pondo.
Samantala, kinwestyon naman ni Escudero ang hindi pantay na alokasyon ng pwesto sa panel ng mga banko na magbibigay ng seed capital.
“They want to adapt best corporate practices, so my question is, why not make the representation in the board proportional to the capital contribution of the entities forming this corporation?” aniya. RNT/JGC
February 2, 2023 @6:12 PM
Views: 10
MANILA, Philippines – Inihayag ni Climate Change Commission Vice Chairperson and Executive Director Robert E.A. Borje ang kahalagahan ng scientific research at pakikilahok ng Local Government Units (LGUs) sa pagtugon sa Climate Change.
Ani Borje, mahalaga ang papel ng siyensya upang makamit ang tagumpay sa paglaban sa pagbabago at malaki ang maiaambag dito ng mga local researchers.
Para kay Borje, isang mabisang tool ang Science para makapaghanda sa magiging epekto ng climate change at malaking problema ang kakaharapin kung hindi magkakaroon ng kailangang preparasyon hinggil dito.
Sa kabilang dako, siniguro naman ni Borje na tuloy tuloy ang Climate Change Commission sa pagsisikap para makabuo ng malakas na partnership sa ibat- ibang sektor.
Samantala, ang partnership sa academe, private sector, development partners at mga relevant stakeholders na mag- uugnay sa mga siyentipiko at innovators ang magpapatupad ng climate actions. Kris Jose
February 2, 2023 @6:00 PM
Views: 17
Manila, Philippines- Aminado si Seth Fedelin na naiinis siya kapag sinasabi ng iba na porke’t may hawig sila ni Daniel Padilla ay ginagaya niya ang kilos at pananalita nito.
Sa Spill or Swallow challenge ng Push.com ay game na game ngang sumabak si Seth.
At dito nga siya um-oo sa tanong kung naiinis siya tuwing may nagsasabing ginagaya niya si Daniel.
“Siguro ‘yung ano, ginagaya ko raw si kuya DJ. Minsan naiinis ako.
Nagpagupit na nga ako, eh, oh, (para hindi na maakusahang kinokopya si Daniel),” natatawang sabi ni Seth.
Dagdag niya, “Actually, hindi naman ako naiinis. Parang more on ano lang, ‘Why?’ Bakit?’
“Pero okay lang naman din. I’m thankful pa rin.”
Samantala, natanong ang binata kung may something o kung may namamagitan na sa kanila ng bago niyang ka-loveteam na si Francine Diaz.
Ang sagot niya, “Meron, and actually ‘yung namamagitan namin is I trust her, and she trusts me.
“Kasi pwedeng magkaibigan lang na magkabatian lang, pero may mga deep talks na kami. Ganu’n ang pagkakaibigan namin,” paliwanag ng aktor.
Aniya pa, single na single siya ngayon at nakasentro muna ang lahat ng kanyang atensiyon sa kanyang showbiz career.
Sobra nga ang pasasalamat ni Seth sa ABS-CBN at sa Dreamscape Entertainment dahil napasama siya sa napakalaking cast ng Kapamilya primetime series na Dirty Linen kung saan gumaganap siya bilang si Nico.
“Halos lahat is unang beses ko pa lang makatrabaho sa Dirty Linen.
Mga senior actors, si kuya Z (Zanjoe Marudo), si Tito Epy (Quizon), Tito Joel Torre, marami pa, which is sa akin parang ano ‘yun, eh, challenge talaga.
“Kumbaga kailangan kong tapatan ‘yung galawan nila. Kailangan mag-work, eh. So para sa akin challenge ‘yun. And para rin sa akin, bagong kaalaman na naman. Kasi may mga bago tayong matututunan sa mga tao doon, eh,” aniya pa. Rommel Placente
February 2, 2023 @5:59 PM
Views: 20
MANILA, Philippines – Nalagpasan na ng Commission on Elections(Comelec) ang target nitong mga bagong registrants matapos makapagtala ng mahigit 1.6 milyong posibleng mga bagong botante para sa 2023 Barangay at Sangguniang kabataang Elections o BSKE.
“If we add all reactivation, inclusion, and reinstatement applications, as well as the Register Anywhere Project (RAP) new applicants and reactivations, the total number of additional voters is at 1,631,433, subject of course to the approval of the respective Election Registration Boards. We surpassed the minimum 1.5 additional voters target,” saad ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco sa media viber group.
Aniya ang RAP pilot testing ay napaka-matagumpay.
“We had fully achieved the goal of pilot testing our systems and IT infrastructure on the possibility of remote registration while remaining fully complaint to RA 8189 , at the same time benefiting the sectors which needed it the most: non-resident workers, OFWs seafarers, students and transients,” sabi pa ni Laudiangco.
Base sa pinal na bilang ng Comelec, kabuuang 2,504,502 applications ang naisumite sa mga regular voter registration sites sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa bansa.
Sa kabilang banda, karagdagang 8,979 applications ang naisumite sa piling booths. Jocelyn Tabangcura-Domenden