Bonus sa mga regular na empleyado ng Comelec ibibigay ngayong Abril

Bonus sa mga regular na empleyado ng Comelec ibibigay ngayong Abril

April 7, 2022 @ 1:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inaasahang matatanggap ng mga manggagawa ng Commission on Elections (Comelec) ang isang buwang bonus ngayong Abril, ayon kay Chairman Saidamen Pangarungan nitong Huwebes.

Ito ang inanunsyo niya sa Second Quarter Management Committee Conference ng Comelec.

“First we have an approved Employee Development Assistance consisting of a 1-month bonus for all regular employees of the Commission,” aniya.

“Our workers can expect to receive this one month bonus this April 2022,” dagdag ni Pangarungan.

Inanunsyo rin  ng Comelec chair ang umento sa transportation at communication expenses ng Election Officers sa loob ng anim na buwan, upang saklawin din ang Barangay Elections sa Disyembre 2022.

“The Commission en banc approved this yesterday to cushion the impact of the round of fuel increases upon our election officers,” sabi niya.

“This exemption to the gun ban was enjoyed before by our election officers in previous elections. To be effective, our election officers need to feel secured in performing their duties, free from fear, and pressure from opposing candidates in their respective jurisdiction,” paglalahad pa ni Pangarungan. RNT/SA