Boobs na ‘di pantay dinepensahan ni Barbie

Boobs na ‘di pantay dinepensahan ni Barbie

August 5, 2022 @ 8:14 AM 5 days ago


Manila, Philippines – Sa vlog ni Barbie Imperial, nagkaroon siya ng question and answer portion kung saan game niyang sinagot ang most savage questions na itinanong sa kanya ng netizens.

Natanong ang aktres kung nagparetoke na raw ba siya ng ilong o ng dibdib. Ani Barbie, never pa raw niya itong  ginawa simula nang mag-artista siya.

Aniya, proud daw siya sa kung ano ang ipinagkaloob sa kanyang physical assets ng Diyos.

Sa mga nang-uurot naman na hindi pantay ang kanyang boobs, iginagalang daw niya kung ano ang opinyon ng mga tao. Aminado naman siyang magkaiba ang size ng kanyang left at right bobey.

Hindi naman niya ikinaila na sa lahat ng naging boyfriend niya ay kay Diego Loyzaga siya labis na nasaktan.

Kumbaga, malalim na raw kasi ang pinagsamahan nila ng aktor dahil nasa stage na sila na napag-uusapan na nila ang kanilang mga plano sa hinaharap kasama na ang pagpapakasal at pagbuo ng pamilya.

Sa question naman kung nakapasok na ba siya ng motel, walang pretensyon naman niyang sinabi na “oo” bagama’t hindi na siya nag-elaborate pa.

Tungkol naman sa kung meron na siyang naging friends with benefits, hindi raw niya trip ang ganitong setup dahil ang habol niya ay seryosong relasyon.

Walang etchos din siyang nagkumpisal na never pa siyang nagkaroon ng sugar daddy.

Wala pa rin daw siyang artista o influencer na nai-block sa kanyang IG account kahit minsan ay naba-bash siya.

Sa tanong kung nagawa na ba niyang manligaw sa lalake, hindi naman niya ito ikinaila.

Nangyari raw ito noon nang magpalipad-hangin siya kay Ryle Santiago kung saan may kakumpentensiya pa siya sa grupong “Girltrends.” Natuwa naman daw siya dahil siya ang pinili ng dating Hashtag member.

Sa query naman kung may artista na siyang nakaaway, inamin ni Barbie na nangyari raw ito sa isang set ng seryeng ginagawa niya.

Aniya, hindi lang daw naman siya ang nakaaway ng nasabing celebrity kundi meron pang iba.

Muffled naman ang naging sagot ni Barbie kung sino ang artistang kanyang tinutukoy pero maraming Marites ang may sapantaha na ang tinutukoy niya ay si Heaven Peralejo.

Matatandaang noong kasagsagan ng tsika tungkol sa pagkakalabuan nina Kiko Estrada at Devon Seron, isa ang aktres sa inakusahang may kinalaman sa pagkakalat ng balita tungkol pagkakamabutihan ni Estrada at Peralejo na kasama niya sa serye. Archie Liao