Boobs ni Sue, tinawag na “Plywood”!

Boobs ni Sue, tinawag na “Plywood”!

February 25, 2022 @ 6:00 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Taong 2018 pa noong magsimulang makatikim ng pamba-bash si Sue Ramirez for wearing two-piece bikini.

Pero noon pa man daw ay hindi ‘yon big deal sa kanya.

Sinabihan kasi siyang malandi, but she maintained: “I don’t sexualize my body at all.”

Katwiran ni Sue, hindi siya malisyosang tao.

At muli, hindi na naman nakaligtas ang 25 anyos na aktres in the two-piece bikini shot taken in her Amanpulo trip.

Bagama’t pinuri siya ng ilang celebrity friends, isang mahaderang basher ang nagtangkang bumasag sa trip  niya.

Ayon sa basher, kaya raw pala ayaw magsuot ng bra ni Sue ay dahil “plywood” ang harap at likod nito.

Pero mukhang disappointed ang basher dahil bukod sa kinuyog siya ng mga supporters ni Sue ay sinakyan lang siya ng aktres.

Ani Sue, “O, ‘di ba? Dagdag labahin lang?”, na ang ibig sabihi’y dagdag pa sa laundry kung magsusuot siya ng bra. Ronnie Carrasco III