Booker bagong mukha ng NBA 2K23

Booker bagong mukha ng NBA 2K23

July 10, 2022 @ 3:02 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ibinida ni Devin Bookers ang isang magandang balita matapos pumirma ng kumikinang na $224 milyon na super-max na extension na kontrata sa loob ng apat na taon sa Phoenix Suns.

Ayon kay Bookers, siya na ang bagong mukha ng pinakalatest na NBA 2K edisyon na nakatakdang ilabas sa Setyember 9.

Pinangalan bilang All-NBA first team sa 75th NBA season, makakasama na ni Booker sina Michael Jordan, Diana Taurasi, at Sue Bird bilang mga cover ng iba pang 2k23 na bersyon.

Matatandaang si Luka Doncic ang dating mukha ng sikat na laro.

Hindi pa naman isinisiwalat ang 2k ratings ni Booker para sa 23.

Nagsimula siya sa 72 sa NBA2K16 at pagkatapos ay umakyat sa 78 sa kanyang sophomore year.

Siya ay 80+ sa 2k18-21 bago umabot sa 91 sa huling bersyon.JC