Booker reresbak sa Game 4

Booker reresbak sa Game 4

July 14, 2021 @ 12:25 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Siniguro ni Phoenix Suns star Devin Booker na babawi siya sa Game 4 ng NBA Finals laban sa Milwaukee Bucks.

Nakapagtala lamang si Booker ng 10 points na mayroong 3 out of 14 shooting noong Game 3 kung saan tinalo sila ng Bucks 120-100.

Maging ang coah ng Bucks na si Mike Budenholzer ay napansin ang mahinang shooting ni Booker pero nag-imprub naman umano ang kanyang depensa.

Ayon kay Budenholzer, pinaghahanda nila ang Game 4 dahil sigurado siyang babawi ang Suns star player sa naging pagkukulang sa Game 3.

Matatandaang pinagpahinga ni Suns coach Monty Williams si Booker noong 4th quarter dahil sa mahinang performance nito.

Hawak ng Suns ang kalamangan sa serye sa kartadang 2-1 kontra Bucks. Gaganapin ang game 4 sa teritoryo ng Bucks.Rico Navarro