Booster na gagamitin para sa mga naturukan ng Sinopharm pinag-aaralan pa

Booster na gagamitin para sa mga naturukan ng Sinopharm pinag-aaralan pa

January 19, 2022 @ 7:30 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Hinihintay pa rin ng gobyerno ng Pilipinas ang data na gagamitin para sa rekomendasyon ng “best booster shots” para sa mga indibiduwal na nakatanggap ng Sinopharm coronavirus vaccines bilang initial doses.

Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na wala pang sapat na impormasyon mula sa manufacturers ng bakuna sa kung ano ang brands ang maaaring gamitin bilang booster doses para sa mga nakakuha ng Chinese-made vaccine bilang kanilang primary dose series.

Maging ang Department of Health ay umamin na walang available na data maging sa “abroad and in the country and even from Sinopharm” ukol sa usaping ito.

Sa kabila nito, nagpapatuloy naman ang pag-uusap sa pagitan ng National Vaccination Operations Center (NVOC) at manufacturers ng Sinopharm.

“Tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap at paghingi natin ng additional data and information from the manufacturers ng Sinopharm para sa lalong madaling panahon ay makakapagbigay na ng abiso ang ating NVOC kung ano ung pinaka-mainam na booster shots para sa mga nakapag-kumpleto na ng two doses ng Sinopharm,” ayon kay Nograles.

Sa kabilang dako, nakatanggap na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Sinopharm bilang kanyang booster dose, kaparehong brand ng bakuna na itinurok sa kanya bilang kanyang primary series.

Wala naman itong naranasan na anumang masamang epekto.

“Wala naman pong masamang epektong naidulot sapagkat alam namin, again, itong mga bakuna ni Pangulong Duterte ay something between him and his personal physician.” Kris Jose