Booster ng Pfizer, Moderna na tumatarget sa Omicron, aprub sa US CDC

Booster ng Pfizer, Moderna na tumatarget sa Omicron, aprub sa US CDC

September 2, 2022 @ 10:00 AM 1 month ago


USA- Pinaboran ng US Centers for Disease Control and Prevention’s Advisory Committee for Immunization Practices (ACIP) sa botong 13-to-1 ang bagong COVID-19 booster shot ng Pfizer/BioNTech at Moderna na tinatarget ang Omicron variants na BA.4 at BA.5.

Pumayag ang US CDC na irekomenda ang updated booster vaccine ng Pfizer para sa edad 12 pataas, habang 18 pataas naman para sa Moderna.

Noong Miyerkules nang ipasa ng US Food and Drug Administration ang updated na mga bakuna mula sa Pfizer/BioNTech at Moderna.

Sinabi ng mga opisyal ng FDA n na naniniwala sila na ang mga na-update na shot ay dapat na magagamit sa isang mas malawak na populasyon kaysa sa mga nakaraang boosters dahil maaari itong makatulong sa mga kabataan na maiwasan ang long-COVID. RNT