Booster shot lane sa mga expressway, hiniling na itayo

Booster shot lane sa mga expressway, hiniling na itayo

January 18, 2022 @ 9:37 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Upang mapabilis pa na mabigyang proteksyon ang mas maraming tao sa pinakamabilis na paraan, nagbigay ng suhestiyon si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kung saan hinikayat nito ang national government at ilang mga pribadong sector na maglaan ng pasilidad na drive-thru booster shot sa ilang “toll booth” sa lahat ng expressway patungo sa Metro Manila.

“Meron lang akong panawagan, magsi-share lang ako ng idea. Lahat ng toll gate pwedeng drive-thru yung isang lane. Just imagine all the exits,” ani Domagoso.

“Kaya ko naisip yun kasi naaawa ako sa mga taga-Northern Luzon, Central Luzon at Southern Luzon na pumupunta sa Manila. The data will not lie, may pumupunta nga sa amin, taga-Mariveles, Bataan. Dulo na ng Bataan yun, about 3-4 hours drive to Manila, plus the number of hours lining up for shots at the Luneta drive-thru booster facility. Ibig sabihin, merong demand ang tao, gusto ng tao na magpa-booster,” dagdag pa ni Domagoso na isa sa mga kumakandidatong Pangulo ng bansa sa darating na national election.

Iminungkahi ni Moreno na maaaring hilingin ng Toll Regulatory Board (TRB) sa mga business tycoon na sina Manny Pangilinan at Ramon Ang na magtalaga ng ilang mga toll booth sa lahat ng entrance o exit toll gates sa North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX), Manila–Cavite Expressway (CAVITEx), Southern Tagalog Arterial Road (STAR Tollway), Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEx), at Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEx), bukod sa iba pa, para sa mga booster shot para sa mga motoristang gumagamit ng mga expressway.

“Ito kasi ang idea na ito, tulong-tulong na tayo, yakapin na natin ang kaya nating yakapin. I know it’s not their job, but at the end of the day, it’s our country. Bansa natin ito. Tayo rin naman ang magmamalasakitan sa isa’t-isa,” giit ni Domagoso.

“I am just saying that if we really wanted to, kung pare-pareho tayo ng antenna, kung gusto nating proteksyonan ang tao, it’s just a mere suggestion. Wala naman kasi akong otoridad over the toll (operators). But given the chance, I’ll do that, why not,” dagdag pa ni Yorme. JAY Reyes