Booster shot para sa healthcare worker, sinusulong ni Duque

Booster shot para sa healthcare worker, sinusulong ni Duque

October 14, 2021 @ 6:37 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Itinutulak ni Health Secretary Francisco Duque III sa gobyerno na mabigyan ng booster shots laban sa Coronavirus disease (COVID-19) ang healthcare workers, batay sa ulat.

“Personally I’d recommend booster shots for our healthcare workers and I’m pushing for it,” ani Duque sa ANC.

Subalit sinabi ni Duque na inirekomenda ng mga eksperto na pagtuunan ng pansing unahin ang mga hindi pa nababakunahan.

“It’s just that our own experts group… they’re all saying that we have to ensure that a bigger percentage of the population must receive the primary series of vaccines,” pahayag niya.

Sa kasalukuyan, nasa halos 23.8 milyong Pilipino o 31.8 porsyento ng target mabakunahan ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Dati nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na walang ebidensyang magpapatunay na nakapagbibigay ng kumpletong proteksyon ang booster shots laban sa COVID-19.

Ani vergeire, naipaliwanag na ito ng DOH sa mga healthcare worker at naniniwala siyang nagkaintindihan na ukol sa bagay na ito.

Pinapakita sa isang survey na isinagawa ng DOH kamakailan lamang na kalahati sa 10,525 tumugon ay hindi sang-ayon na magpaturok ng booster shots nang walang pagsang-ayon ng mga eksperto.


  •  
  •  
  •