Booster shot sa 12-17 taon, 4th COVID-19 dose hirit ng DOH sa FDA

Booster shot sa 12-17 taon, 4th COVID-19 dose hirit ng DOH sa FDA

April 11, 2022 @ 10:14 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inihihirit ng Department of Health ang pag-amyenda sa emergency use authorization ng COVID-19 vaccines upang maturukan ng booster shot ang mga kabataan mula 12 hanggang 17-anyos, ayon sa mga awtoridad.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ipino-proseso na rin ang panukalang 4th dose. Hinihintay na lamang umano ang paglalabas ng amendments ng regulatory body.

“Tayo po ay nagsumite na ng request for the EUAs to be amended for this 4th dose at saka ito pong ating booster shots for 12 to 17 years old. Atin lang pong inaantay ang FDA na maglabas ng amended EUA,” pahayag ni Vergeire nitong Biyernes.

“Kapag lumabas po ito, isusumite naman natin ito sa Health Technology Assessment Council para sa kanilang pagsusuri ukol sa mga sektor na ito,” dagdag pa niya.

Kapag nailabas na ang mga pagbabago, sinabi niya na maglalabas ang DOH ng mga alituntunin sa pagbabakuna ng 4th dose at booster shots para sa edad 12 hanggang 17. RNT/SA