Booster shots epektibo vs Omicron sub-variant – VEP

Booster shots epektibo vs Omicron sub-variant – VEP

May 18, 2022 @ 2:05 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Epektibo ang booster shots nf COVID-19 vaccine laban sa Omicron BA.2.12.1 subvariant, ayon sa vaccine expert panel (VEP) nitong Miyerkules.

Sa televised public briefing, sinabi ni VEP chairperson Dr. Nina Gloriani na hindi sapat ang proteksyon mula sa primary series ng COVID-19 vaccines is laban sa Omicron subvariants BA.1 at BA.2.

“[The] mRna vaccines, very clear after two doses, ang efficacy nitong mga bakuna bumababa hanggang 10 percent against Omicron variant. Pag binigyan ng third dose, two to four weeks after bababa rin ito to about 59 to 75 percent. After another two months bababa pa ng 51 to 64 percent and after three months na sa 49 [to] 50 percent na lang,” aniya.

Nauna nang kinumpirma ng Department of Health ang local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1.

Batay sa mga pag-aaral sa ibang bansa, nababawasan ang proteksyon kahit na naturukan ng unang booster o ikatlong dose, aniya pa.

Matatandaang inirekomenda ng VEP ang administrasyon ng ikalawang booster o ika-apat na dose hindi lamang sa immunocompromised subalit para rin sa mga indibidwal na may comorbidities at senior citizens.

“That was our initial recommendation that was approved by the FDA [Food and Drug Administration] kaya lang meron tayong HTAC [Health Technology Assessment Council] na nagtitingin sa socio-economic benefits ng mga bakuna,” pahayag ni Gloriani.

Inirekomenda naman ng HTAC ang ikalawang booster shot para sa matatanda at healthcare workers.

Hinihintay na lamang ang isa oang requirement mula sa World Health Organization bago ito maglabas ng guidelines para sa matatanda at healthcare workers. RNT/SA